Pilot run ng limited face-to-face classes, ligtas na nga bang ipatupad ngayong buwan?

 

2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
 

BALIK SA KLASE
NOVEMBER 18, 2021 / 10:30AM SA GTV

 

 

Nitong Lunes, sinimulan ang limited face to face classes sa 100 public school sa buong bansa. Makalipas ang halos dalawang taon, muling nakatapak sa classroom ang mga estudyante para bumalik sa klase. Pero hindi lahat ganito ang sitwasyon. Dahil maraming mga bata ang umaasa pa rin sa module at online class na may iba’t-ibang hamon.

 

Sa tabing ilog sa Pulilan, Bulacan, inaabangan ng sampung taong gulang na si Gabriel ang mga bagong hango na kangkong. Kasama niya ang mga kapitbahay niyang si Ron-Ron at Felix.

 

Isa-isa nilang bubuhatin ang mga tumpok ng kangkong mula sa tabing ilog paakyat ng highway. Piso kada tumpok ang bayad sa kanila.

Kasabay ng lockdown, nahinto rin sa pag-aaral si Gabriel. Wala na raw kasing pantustos ang mga magulang niya sa mga kailangan ng bata sa modular distance learning. Pero sa tulong ng isang guro, nakabalik sa pag-aaral si Gabriel. Ang dating guro niya na si teacher Sherimae Esguerra, ramdam rin daw ang hirap na pinagdaraanan ng mga estudyante sa distance learning.

 

Kung dati ay naghahanda para sa pagpasok sa eskuwela ang kambal na sina Ruzzel at Joel, ngayon ay sa mga bukid sa Pulilan, Bulacan ang diretso  nila. Bitbit din nila ang isang mahabang pamalo. Ang pakay nila, manghuli ng mga daga.

 

 

 

Ang mga nahuhuling daga, ibinebenta raw nila. Pero kung kaunti lang ang huli, iniuuwi na lang daw nila ang daga para maging ulam.

Grade 7 na sina Ruzzel at Joel at modular ang mode of learning ang kambal. Kung sila ang tatanungin, gusto na nilang bumalik sa face to face classes. Pero hindi pa ito pwede sa ngayon. Hindi pa kasi kasama  ang eskuwelahan nila sa 100 public school na pinili ng Department of Education.

 Ang mga napiling paaralan, maaga namang naghanda. Sa San Felipe, Zambales. hila-hila ng isang kalabaw ang kariton na sakay ang mga guro ng Banawen Elementary School. Itinuturing na low-risk for COVID-19 ang lugar nila. Bago makapasok sa kanilang school compound, kailangan munang maghugas ng kamay sa handwash station. Kukunin din ang kanilang temperature at pagsusuotin ng face shield.

 

Sa Visayas at Mindanao, ilang paaralan din ang kasama sa pilot implementation ng face to face classes. Unti-unti mang binabalik sa normal ang edukasyon ng mga bata, may mga magulang pa rin daw na hindi pinapasok ang kanilang mga anak ngayong araw dahil sa takot sa COVID-19.

Abangan ang buong kuwento ng “BALIK SA KLASE” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, November 18, 2021 10:30am sa GTV bago mag Balitanghali.



Pilot run ng limited face-to-face classes, ligtas na nga bang ipatupad ngayong buwan?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment