‘The Atom Araullo Specials: Tara, Food Trip’ ngayong Linggo, sa GMA Network!

 

The Atom Araullo Specials
November 14, 2021

TARA, FOOD TRIP!

            Walang duda, mahilig kumain ang mga Pinoy.  At sa dami ng mga food business na lalong sumikat kahit nasa gitna tayo ng pandemya, walang duda rin na ‘Food is essential’.  Ngayong unti-unti nang lumuluwag ang mga protocols, samahan si Atom Araullo dumayo sa ilan sa mga food capital ng bansa.

            Siyempre una sa listahan ang Maynila kung saan may isang kalye na dinudumog ng tao dahil sa food crawl dito: ang Ugbo St. sa Tondo.  Mahahanap dito ang samu’t saring street food tulad ng takoyaki at maging ang old time favorites na halo-halo at puto bumbong na swak pang christmas season.

            Sunod na dadayuhin ni Atom ang Pampanga, ang culinary capital ng bansa.  Dito makikilala niya ang mahigit isang daang taong gulang na Aeta na si Apo Jungle para ibahagi kung paano nila nalagpasan ang mga pagsubok buhat ng kalikasan sa tulong ng pagkain.  Hindi rin kumpleto ang bisita ni Atom sa Pampanga kung hindi niya matitikman ang classic tsokolate batirol at ang special sisig ni Aling Lucing.

            Mula sa Pampanga, dadayo naman si Atom sa Norte, sa Summer Capital ng Pinas para malaman kung paano binabago ang mga sinaunang putahe tulad ng pinikpikan para umakma sa panahon natin ngayon.  Papasok rin siya sa isang gawaan ng lengua de gato at bibisita sa sikat na Vizco’s cake shop kung saan ang pasalubong at strawberries ay naging bahagi na ng pagkakakilanlan ng Baguio.

            Last stop ang Roxas City sa probinsya ng Capiz, o tinaguriang Seafood Capital ng bansa.  Dito madidiskubre ni Atom ang yaman ng karagatan at mga ilog ng Capiz.  Mula sa sariwang lapu-lapu, scallops, at ang diwal o angel wings clam na sa iilang probinsya lang matatagpuan.  Sasabak din si Atom sa gitna ng putikan para manghuli ng puyoy o eel, isa sa mga pinakasikat na street food sa lugar.

Hanggang saan ka dadayo para sa masarap na pagkain?  Samahan si Atom Araullo sa kaniyang food trip ngayong Nov. 14, 2021!



‘The Atom Araullo Specials: Tara, Food Trip’ ngayong Linggo, sa GMA Network!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment