LGBTQ+ TikTok content creator na si Aaron Maniego, abangan sa Brigada!

BRIGADA
Airing: March 19, 2022

 

BORTANG BARBIE
Sa unang tingin, guwapo, macho, at malakas ang dating ng Tiktoker na si Aaron. Ngunit sa kanyang Tiktok videos din mismo ang reveal — isa siyang miyembro ng LGBTQ + community. Sa katunayan, marami nga raw mga babaeng nagsasabi na sayang daw ang kanyang kaguwapuhan, at kadalasan daw niyang sagot ay sorry na lang sila! Walang anumang bahid ng pagsisisi si Aaron sa kanyang pagkatao, at ginagamit niya ang kanyang Tiktok account para maipaabot sa 1.4 milyon niyang followers ang mensaheng mahalagang respetuhin ang choices ng bawat isa. Nakapanayam ni Darlene Cay ang tinaguriang Pambansang Bortang Barbie ng Tiktok na si Aaron.
With his looks and physique, Tiktoker Aaron can definitely make the girls swoon. But his Tiktok videos also reveal his true personality, because Aaron is a proud member of the LGBTQ + community! Aaron definitely doesn’t mind because he can freely express what he truly feels. In fact, he uses his Tiktok account to reach his 1.4 million followers and convey the message there is nothing wrong with being gay. Darlene Cay chats with the Tiktok’s viral Bortang Barbie Aaron.

 

 

 

 

PINAYS ABROAD
Para sa ilan, sa abroad matatagpuan ang tagumpay sa buhay. Ito rin ang nahanap na suwerte ng ilan nating mga Pinay na kababayang sumubok makipagsapalaran sa ibang bansa. Tulad na lang ng hotel and restaurant management graduate na si Jenn na naiba ang linya at napunta sa larangan ng cattle farming sa New Zealand. Samantala, dambuhalang 18-wheeler trucks naman ang iminamaneho ng tubong-Samar na si Jonalyn, na dahil sa trabaho ay kung saan-saang bahagi na ng Amerika nakarating para ihatid ang kanyang mga delivery. Ang buhay nina Jenn at Jonalyn, ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga vlog na kinagigiliwan naman ding panoorin ng mga netizen! Nakilala ni Kara David ang ilan sa mga empowered Pinay na ito.
For some, success in life can be found overseas. This is also the luck found by some of Filipinas who tried to venture abroad. Hotel and restaurant management graduate Jenn took a leap of faith and landed in the field of cattle farming in New Zealand. Meanwhile, huge 18-wheeler trucks are driven and maintained by Samar-born Jonalyn, who due to her work has traveled to various parts of the United States to deliver goods. Jenn and Jonalyn also share their daily work and lives through their vlogs that netizens definitely enjoy watching! Kara David chats with some of these empowered Pinays.

 

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:45 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:45pm in Brigada on GTV.
 

 

 

 

 

 

 



LGBTQ+ TikTok content creator na si Aaron Maniego, abangan sa Brigada!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment