Mga wais at patok na Negosyo, ibibida sa IJuander!

Hindi maikakaila na maraming Juan ang sadyang naapektuhan ng pandemya, lalo na sa aspetong pinansyal. Pero ang iba, imbis na sumuko, pinairal ang diskarte sa pagne-negosyo.

 

 

 

Hindi raw sa pag-a-artista nahanap ni Neri Miranda ang kanyang tagumpay, kundi sa pagne-negosyo. Mula sa bedsheet, wedding gown, bakeshop, paupahang resthouse at marami pang iba. Pero sino bang mag-aakala na ang lahat ng ito, nagsimula raw sa negosyo niyang tuyo at puhunang tatlong libong Piso?

 

 

 

Isang milyong Piso kada buwan, ‘yan lang naman ang kinikita ni Teresita mula sa kanyang negosyo na nagsimula sa simpleng pag-iihaw ng barbeque. Mula sa maliit na puwesto sa tabing kalsada, ngayon, may tatlong restaurant na si Teresita. I Juander, ano kaya ang ginawa niyang diskarte para matuhog ang suwerte?

 

 

Ayon nga sa isang kasabihan, “Kapag may tinanim, may aanihin.” At kung gusto nga raw umani ng limpak-limpak na salapi, bakit hindi raw gayahin ang diskarte ni Edilee sa pagtatanim ng vanilla. Ang isang kilo nga raw ng bulaklak nito, tumataginting na fifty thousand Pesos ang presyo.

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar na alamin ang kuwento nilang mga wais sa negosyo. Abangan ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment