Good News Kasama si Vicky Morales
September 6, 2021
Veggie Sweet!
Upo, kamote at singkamas, ang mga ito, hindi lang swak na ulam, pwede rin silang gawing panghimagas. Silip na sa Good News Kusina kung saan matututuhan ang kakaibang veggie dessert recipes. Alamin kung paano gawin ang Upo Pie, Cinnamon Singkamas Ala Mode, at Kamote Donut!
Pot Perfect!
Hindi lang mga halaman ang patok sa mga plantito’t plantita. Pati ang kakaibang plant pots, nagpapaganda rin ng hardin. Kamustahin ang isang negosyong gumagawa ng pet-inspired plots. Tuturuan din tayo ng mga crafts expert gumawa ng upcycled pots mula sa bayong at takure.
Bote, Bote, Pick!
Ang bottled goodies, hindi lang malinamnam, meron din itong freshness na pangmatagalan. Kaya naman ito ang napiling negosyo ng ilan nating mga Kapuso. Isa-isang tinikman ni Love Añover ang mga kakaibang bottled products nila, mula maki spread at polvoron, hanggang sinaing sa tulingan at adobo flakes. Alamin ang hatol ni Love sa mga ito.
0 comments :
Post a Comment