Fruity twist ihahain ngayong Huwebes sa In Real Life

 

Ang fruity twist sa world’s best vegetable soup na sinigang at ang mga nakaaaliw na paandar sa social media ang bibida ngayong Sarap o’clock Thursday!

 

 

 

Hindi lang daw gulay ang puwedeng isahog sa paborito nating sinigang! Puwede rin daw ang pakwan at ang mangga?

 

 

 

Itabi na ang alkansya dahil trending sa social media ang mga Ipon Champions na nakapag-ipon ng libu-libong piso mula sa kawayan at galon ng tubig! Nakamagkano kaya sila?

 

 

 

 

Simbahan naman ang naging finish line ng magkasintahang ito na nagkakilala sa isang marathon. May takbuhan nga kayang naganap sa kasalang ito?

 

 

 

At marami naman ang natuwa sa mga bagong paandar sa community pantry na ito dahil ang pagkain, hindi lang ibinahay-bahay, mayroon din para sa mga aso at pusa!

 

 

Abangan lahat ng iyan sa ‘In Real Life’ kung saan trending ang kuwentuhan at kainan ngayong Sarap O’Clock Thursday, 6:00 PM sa GTV.

 


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment