Visita Pampanga with ‘Biyahe ni Drew’

BIYAHE NI DREW: Pasasalamat sa Pampanga

Friday, September 3, 2021
6PM GTV

Sa kabila ng hirap sa pagbiyahe ngayon, marami pa ring dapat ipagpasalamat! Sa Biyernes, iyan ang gagawin ni Drew Arellano sa kaniyang pagbisita sa Pampanga.

Nangunguna sa mga pupuntahan ni Drew ang mga simbahan ng Pampanga. Sa Bacolor, mamamangha siya sa San Guillermo Parish Church na lagpas kalahati ng istruktura ang nakabaon sa lupa. Kasama rin sa dadayuhin niya ang Saint James The Apostle Parish Church kung saan maituturing na Sistine Chapel ng Pilipinas dahil sa ganda ng mga painting sa kisame rito.

 

Nangunguna din sa listahan ng must-visit sa Pampanga ang Mt. Arayat kung saan madadaanan paakyat ang Stations of the Cross. Sa “White Rock” naman na 798 meters above sea level, matatanaw ang kanlurang bahagi ng Pampanga. Pagbaba ng bundok, puwedeng dumiretso sa Arayat National Park para mag-picnic at mag-relaks.

 

Sa Lubao, pupuntahan ni Drew ang isang resort farm kung saan naghahanda ng mga farm-to-table meat and produce. At dahil must-eat ang Kapampangan cuisine, tuturuan at ipagluluto si Drew ng Kapampangan chef na si Chef Sau del Rosario ng kakaibang bersiyon niya ng adobo, steamed apahap, at tamales.

 

                                                      

Ang pagkakataong bumiyahe muli, hindi malayo sa ating mga pangarap. Kaya sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 6PM sa GTV.

—–

Drew Arellano gives thanks as he travels around Pampanga to visit the famous Pampanga churches, climb the famous Mt. Arayat and frolick in the Arayat National Park, and take some cooking lessons under Kapampangan chef, Sau del Rosario.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment