BIYAHE NI DREW: MGA SIKRETO NG SAGADA
Sunday, January 23, 2022
8:30 PM GTV
Taon-taon, dinadagsa ng mga biyahero ang isa sa mga tinagurian noon na “Best Kept Secrets of the North”, pero hindi na masyadong sikreto ngayon, ang Sagada sa Mountain Province.
Kahit marami na ang nakadiskubre sa Sagada, mayroon pa rin itong natatagong ganda. Katulad lang ng Blue Soil Hills kung saan kapansin-pansin ang kakaibang kulay nito. Aalamin ni Biyahero Drew kung bakit kulay asul ang mga burol na ito.
Hindi lang kakaibang burol ang sikreto ng Sagada. Mayroon palang matatagpuang napakagandang waterfalls na Bomod-ok Falls dito. Maganda raw dayuhin ito tuwing umaga para hindi ganun kalamig ang tubig.
Samantala, ang kilalang Hanging Coffins, may bagong atraksiyon na malapit dito. Susubukan naman ni Biyahero Drew ang rock climbing. Pasok para sa mga adventure enthusiasts!
Para sa mga mahilig kumain ng masarap, maraming mapagpipilian sa Sagada. Etag ang kilalang specialty ng Sagada. Mabusisi ang paggawa nito pero sulit ito dahil panalo ang sarap. Matitikman ni Drew ang etag na hinalo sa iba’t ibang modern dishes katulad ng carbonara at burger.
Balikan ang malamig at nakaka-relaks na mga bulubundukin ng Sagada. Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30PM sa GTV!
—–
Drew Arellano goes back to a place close to the heart of Team Biyahe ni Drew, Sagada. To this day, Sagada does not disappoint as Drew checks out Blue Soil Hills, treks to Bomod-ok Falls, enjoys making and eating the local smoked pork or etag.
Biyahero Drew revisits Sagada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment