I Juander, ano-ano ang mga produktong gawang kamay sa bayan ni Juan?

Gawang Kamay

Makikita ang pagiging creative ng mga Juan sa iba’t ibang kagamitan na gawa ng malikhaing mga kamay. Sa likod ng mga kagamitang ito, matutuklasan ang mayamang kasaysayan at tradisyon.

 

 

Isa ang sandata sa bahagi ng kultura at kasaysayan natin bilang isang Pilipino. Ang ka-Juander nating si Albert John Manalo may koleksyon ng mahigit isang daang traditional na sandata at nasa mahigit P300,000 na ang kaniyang nagastos sa pagkolekta ng mga ito.

 

 

Isa sa mga tradisyunal na sandata na ginagamit noon pa man ng ating mga ninuno sa pakikipaglaban ay ang kampilan. Sa tribo naman ng mga T’boli, mayroon din silang bersyon nito na tinatawag na Kefilan na kung saan ipapakita ang mabusising paggawa nito.

 

 

Mula sa pagiging field reporter, TV at radio host, sinimulan ni Niña ang pag didisenyo ng mga damit gamit ang Inabel, ang tradisyunal na tela ng Ilocos. Ang pagtataguyod nito ang paraan niya para makatulong sa pag preserba ng cultural heritage ng Ilocano weavers.

 

 

Kilala ang Consolacion sa Cebu sa paggawa ng isang tradisyunal na sombrero na kung tawagin ay sarok hat. Isang uri ng sombrero na gawa sa kawayan at dahon ng saging.

Pero ang tradisyon na ito, unti-unti na nga bang nawawala?

Samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar ngayong Linggo sa I Juander, 7:45PM sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:

I Juander, ano-ano ang mga produktong handmade sa bayan ni Juan?



I Juander, ano-ano ang mga produktong gawang kamay sa bayan ni Juan?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment