Ligtas na nga bang gumala ngayong Alert Level 2 na ang Metro Manila?

 

 

2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST

 

INGAT SA BIYAHE
NOVEMBER 11, 2021,  10:30 AM SA GTV

 

Ngayong Alert Level 2 na ang Metro Manila at ilang kalapit probinsya, nagbukas na rin ang mga pasyalan. Kaya ang ilang nawalan ng trabaho sa tourism industry, muling nabuhayan. Ang mga nakulong sa bahay ng maraming buwan, sabik na ring lumabas. Saan na ba puwedeng pumunta at paano masisigurong ligtas habang nasa pasyalan?

 

 

‘Yan ang inalam ni Maki Pulido sa pagbisita niya sa tinatawag na Little Boracay sandbar sa Calatagan, Batangas. Mula sa itaas, makikita ang ganda ng sandbar na lumulubog tuwing high tide at lumilitaw tuwing low tide. Little Boracay ang tawag sa sandbar area dahil sa pino at puti nitong buhangin.

 

 

Ang mga open area tulad ng beach ang pwedeng puntahan ng mga pamilya ngayon. Pwede ang bata pero dapat fully vaccinated ang mga kasamang matatanda. Kailangang dalhin ang vaccination card o certificate sa pagpunta rito. Ine-encourage din ng mga operator na dapat parehong household ang magkakasama sa floating cottage.

 

 

Bago pa man ang pandemya, dinarayo na ang isang theme park sa Pampanga dahil sa mga life-size dinosaur figures at iba pang activities sa loob ng park. Pero nang magsimula ang pandemic, dalawang beses itong pansamantalang isinara sa loob ng halos isang taon .

 

 

Nang payagang lumabas na ang mga bata, binuksan na ang  mga theme park. Pero kasabay nito, ipinatutupad din ang safety protocol sa loob ng park. Dapat ay fully vaccinated ang mga magulang na kasama ng mga bata. Kailangan ding magsuot ng face mask habang nasa loob. Minomonitor din ang bilang ng pwede sa loob na 50 percent ng kanilang capacity.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang halos dalawang taon, naramdaman namin at ng ibang dumarayo sa mga pasyalan ang tila pagbabalik sa normal. Pero tandaan, may pandemya pa rin at may mga protocol na dapat sundin habang nasa pasyalan. Paalala ng mga otoridad, hindi tayo dapat maging  kampante lalo na’t may banta pa rin ng pagkalat ng virus.

 

 

Sinabi ng Department of Health na kapag mas magluluwag at hindi masusunod ang minimum health protocols ng mga taong nasa labas, posibleng umabot sa 52, 393 ang active cases  ng COVID-19 sa December 15 sa buong bansa kaya dapat pa ring maging maingat sa paglabas.

Abangan ang buong kuwento ng “INGAT SA BIYAHE” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, November 11, 2021 10:30am sa GTV bago mag Balitanghali.



Ligtas na nga bang gumala ngayong Alert Level 2 na ang Metro Manila?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment