BALIK TANAW
Tara na at balikan ang mga tumatak sa panahon ng dekada 80 at 90s, na bumabalik sa uso ngayon.
Ang isang sumasabay sa pagbabago ng panahon ay ang iba’t ibang nauusong hairstyles. Nariyan ang gupit kachupoy at rockabill quiff sa mga lalaki at pixie cut naman para sa mga babae.
Pero bukod sa babalikan natin ang ilan sa mga tumatak na hairstyles noong dekada 80 at 90, pupuntahan din natin ang isang barbershop sa Bulacan kung saan para ka raw bumabalik sa nakaraan.
Challenge accepted naman ang certified TikToker at beauty vlogger na si Lenie Aycardo para sa isang transformation suot ang mga damit sa panahong hindi pa siya nabubuhay. Kilala siya sa kaniyang mga makeup transformation videos sa TikTok, pero kakayanin kaya niyang ma-achieve ang 80s look at fashion sa hamon na ito?
Tila nga raw nabuhay sa maling panahon ang ka-Juander naman natin na si Maine Glorioso. Paano ba naman kasi, mula sa kaniyang pananamit at mga kagamitan sa bahay tulad ng walkman hanggang sa mga lumang radyo at telepono, lahat tatak 90s.
Naabutan niyo pa ba ang skating rink sa Baguio, Luneta, at Cubao? Unti-unti mang nawala sa paglipas ng panahon ang iilang skating rinks sa bansa, muli itong nabuhay nitong pandemya. Sumabay sa pagbabalik ng iba pang mga de gulong ang roller skates.
Isa na siguro sa malaking kaibahan ng bagong henerasyon, ang hindi maranasan ang simple at abot kayang kasiyahan. Kaya naman si Nick, lubos na pinahahalagahan ang mga laruang dating tumatak sa kanya. Pero hindi lang ito basta koleksyon, dahil ang vintage toys ni Nick, umabot na sa mahigit apatnapu’t dalawang kahon.
Let’s take a trip down memory lane ngayong Linggo, kasama sina Susan Enriquez at Mark Salazar, 7:45PM sa GTV.
ENGLISH SYNOPSIS:
Take a trip down memory lane this Sunday with Susan Enriquez and Mark Salazar as we look back at popular things, iconic fashion styles and memorable activites during the 80s and 90s. Let’s reminisce the good times during these eras in this throwback episode of I Juander, 7:45PM on GTV.
Balik tanaw, sa IJuander!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment