High blood na dulot ng hypertension, may natural na solusyon pala? Alamin sa Pinoy MD!

 

Pinoy MD

October 8, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 

Ngayong Sabado nang umaga, bida na naman ang mga usaping pangkalusugan dito sa tahanan ng mga doktor ng bayan!

 

 

 

Hinay-hinay sa pag-add to cart ng mga produktong pampaganda gaya ng peeling lotion dahil baka imbis na kuminis ang kutis, baka mamula at magkapantal-pantal pa!

 

 

 

Nasa lahi rin ba ninyo ang hypertension? Bukod sa pag-inom ng maintenance medication, may mas natural na paraan daw para mapanatiling normal ang blood pressure! Abangan!

 

 

 

Ano nga ba ang epekto sa pagkilos ng mga tinatawag na crossed eye o iyong mga may kundisyong kung tawagin ay strabismus. May solusyon nga ba rito? Alamin!

 

 

 

Ngayong Breast Cancer Awareness month, tunghayan ang Breast Cancer journey ng fit and fab mom na si April, at alamin kung paano nakatulong ang early detection para maagapan ang sakit niyang ito.

 

Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang internist at wellness expert na si Doc Oyie Balburias para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, October 8, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.



High blood na dulot ng hypertension, may natural na solusyon pala? Alamin sa Pinoy MD!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment