I Juander, anu-anong pagkain ang may hindi kaaya-ayang amoy pero masarap?
Madalas nating sinasabi kapag pumpili ng pagkain dapat “amoy palang, nakabubusog na”. Pero paano kung ang amoy ng pagkain hindi na agad kaaya-aya? Huhusgahan mo na ba agad?
Ngayong episode, bawal ang judgemental. Dahil ang ating itatampok, ang mga pagkaing mabaho, pero masarap.
Kung amoy na lalayuan lang din ang usapan, naiiba raw talaga ang ihip ng hangin kapag ito na ang inihahain sa South Korea. Ito ang dead body soup at raw fish skate na titikman ng ka-Juander nating si Tonette. Gawa ang mga putaheng ito sa fermented raw skate na isang uri ng isda. Sa mahigit isang buwan, ibinuburo ang mga isdang ito sa sarili nitong ihi!
At kung ulam na masangsang ang paguusapan hindi papatalo diyan ang tuyo. Amoy palang nito, alam mo nang dapat ihanda ang sinangag, munggo o champorado. Paboritong agahan ito ng Ka- Juander nating si Domingo. Bilang basurero, sanay na raw siya sa nakasusulasok na amoy ng basura. Pero para sa kanya na nagtitipid din sa budget, ang amoy ng tuyo walang kasing bango.
Kilala bilang “King of Fruits” ang Durian. Pero ang haring ito tila pinangingilagan dahil sa taglay nitong amoy. Pero sa Davao City naging mabango ang kabuhayan ng mag-asawang Mary Grace at Nhel sa kanilang durian farm. Bukod kasi sa 7 klaseng durian na matatagpuan at ibinibenta sa kanilang farm, nakagawa na rin sila ng Durian Sauce na ginagamit sa iba’t ibang masasarap na putahe. I Juander hindi kaya naapektuhan ang amoy ng mga putaheng ito?
Mabusog kaya kayo sa mga pagkaing ito? O lalayo ka dahil sa kanilang amoy? Husgahan na sa Linggo 7:45 nang gabi sa GTV!
I Juander, ano-anong pagkain ang may hindi kaaya-ayang amoy pero masarap?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment