Pera Paraan
Lumpia Pa More, Busog Much Binalot Meals At Matinding Turmeric!
Date of Airing: February 5, 2022
Heto ang mga negosyanteng maghahatid ng inspirasyon at nakabubusog na pagkain sa atin, mga Momshie!
Ang simpleng lumpia, marami pa pala ang maibubuga. Kilalanin ang pamilya ni Marlyn, ang may paandar ng heirloom lumpia recipe na naging sikreto nila sa kumikitang business. Mantakin ang P15,000 pesos na kita nila kada linggo! Samantala, mayroong sariling bersiyon ng lumpia ang mga Cebuano na may dalawang klase ng pambalot! Ito ang tinatawag na ngohiong. Ibabahagi ng negosyanteng si Adrian kung paano naman ito gawin.
Sa Alfonso, Cavite naman, makikilala natin si Marites. Maniniwala ba kayo na nagsimula ang kanyang negosyo sa dahon? Hindi lang mura ang dahon ng saging kung hindi nagbibigay din ng dagdag na lasa sa kanilang binalot meals. Humahataw sa kitang 120,000 pesos kada linggo ang binalot meals nila.
Nang dahil sa pandemiya, biglang nakilala ang turmeric dahil sa mga benepisyo nito sa katawan. Kaya ang maliit na business ni Jomar noon, aba big time na ngayon. Tuturuan niya tayo kung paano gumawa ng turmeric powder. Ipakikita rin niya na puwede rin pala gumawa ng turmeric ice cream!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!
Lumpia, binalot meals at turmeric businesses, abangan sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment