PAMILYA MALASA: CATANDUANES MURDER CASE
Sa pagganap nina Jennica Garcia, BJ Forbes at Prince Clemente
February 12, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Sa kalaliman ng gabi noong ika- labing lima ng Enero taong kasalukuyan, umalingawgaw ang mga putok ng baril sa isang bahay sa Barangay Hawan Ilaya, Virac, Catanduanes.
Pagpasok sa bahay ng ilang residente, tatlong miyembro ng pamilya Malasa ang natagpuang naliligo sa kanilang sariling dugo– ang padre de pamilya at pulis na si Jaymar, ang misis nito na si Joy at ang tatlong taong gulang nilang anak na si MJ.
Ayon sa post mortem examination ng Catanduanes Police, nakasaad na lumabas ang bala na tumama kay Joy sa kanang bahagi ng kanyang ulo dahilan para tamaan naman ang tatlong taong gulang na si MJ na kalong niya noong mga oras na iyon. Ibig sabihin iisa ang bala na tumapos sa buhay ng mag-ina. Sa kanang sentido naman pumasok ang bala na tumama kay Patrolman Jaymar Malasa.
Paano sinapit ng mag-anak ang isang karumal-dumal at malagim na krimen?
Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Jennica Garcia, BJ Forbes at Prince Clemente sa Imbestigador ngayong February 12, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.
Catanduanes murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment