BIYAHE NI DREW: PUSONG BIYAHERO
Sunday, February 13, 2022
8:30 PM GTV
Anong klaseng pagmamahal ang nais niyong ipakita sa darating na araw ng mga puso?
Ito ba yung romantic love? Siyempre, hindi tayo magkukulang sa mga puwede niyong dayuhin kasama ang inyong sinisinta. Nariyan ang Destinare Resort sa Zambales kung saan magiging simbolo ng inyong pag-iibigan ang kanilang love locks.
Matatagpuan naman sa Cebu ang isang testamento ng pag-ibig ng lalaking asawa sa kanyang yumaong asawa. Ito ang Temple of Leah. Mamangha at maniwala sa wagas na pag-ibig sa pagpunta n’yo rito!
Hindi n’yo na ring kailangan lumayo pa para sa inyong Valentine’s Date dahil matatagpuan sa Quezon City ang isang kainan na may Baguio feels!
Mapapa-sana all naman ang lahat sa mag-asawang 50 years nang kasal! Maniniwala ba kayo na ang panliligaw nila noon sa probinsiya ng Quezon ay sa pamamagitan ng delicacy nilang minukmok?
Sa mga mahilig sa hayop, ipakita ang pagmamahal sa mga destinasyon na ito. Subukan ang freediving lalo na’t makakasama ang libo-libong sardinas sa Moalboal, Cebu. Puwede ring mag-whale shark watching sa Southern Leyte.
Pero kahit anong pagmamahal ang gusto niyong ipakita, huwag kakalimutang mahalin ang sarili. Enjoy a coffee scrub and massage sa Baguio City. O mag-solo beach trip sa Jomalig Island.
May bonus pa! Ibabahagi rin ni Biyahero Drew ang kanyang love tips para sa mga mag-asawa at sa mga single!
Isang biyahe para sa pusong biyahero ang handog ng Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!
——
Discover the many ways of showing love in Biyahe ni Drew’s Valentine episode. A married couple of 50 years shares their love story as well as the significance of Quezon’s minukmok. Explore a husband’s testament of love to his deceased wife at Cebu’s Temple of Leah. Traveller Drew Arellano also shares the many places and activities where one can love oneself.
Biyahero Drew goes on a romantic adventure!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment