Liwanag sa Dilim ngayong Linggo sa Stories of Hope

 

 

STORIES OF HOPE: “Liwanag sa Dilim”
September 5, Linggo ng hapon, 4:35 PM sa GMA

 

 

 

Makailang-ulit nang nasangkot sa mga kontrobersya at iskandalo ang aktor na si Baron Geisler. Ilang beses na rin siyang nakulong dahil sa iba’t-ibang reklamo. Pabalik-balik din siya rehabilitation center dahil sa pagkalulong sa alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

 

 

 

Nagsimulang umarte si Baron sa edad na labingdalawa. Pero sa mga panahong ito rin daw siya natutong magrebelde sa mga magulang at napasama sa masamang barkada. Nagsimula siyang uminom at gumamit ng droga. At dahil kumikita ng pera, lahat daw ng gusto niya nakukuha niya.

 

 

Pero sa mga nakalipas na buwan, isang bagong Baron ang humarap sa publiko. Malaking bahagi raw ng kanyang pagbabago at paggaling ang asawa niyang si Jamie na isang psychologist.

 

 

Pinipilit rin daw niyang maging isang mabuting ama sa kanyang dalawang taong gulang na anak.

 

Aminadong naluluong din sa ipinagbabawal na gamot ang batikang aktor na si Soliman Cruz. Bata pa lang ay nahilig na sa pag-arte sa teatro si Soliman hanggang sa mapasok siya sa pelikula at telebisyon. Pero sa mga panahong ito rin daw siya nagsimulang tumikim ng droga.

 

Unti-unting naapektuhan ng ipinagbabawal na gamot ang isipan ni Soliman. May mga pagkakataong nakakarinig daw siya ng mga boses sa kanyang utak. Ito rin ang naging dahilan kaya nagpagala-gala siya at tumira sa mga kalye ng Maynila

 

Pero sa tulong ng kanyang pamilya, naipasok siya sa rehabilitation center at unti-unti siyang gumaling.

 

Kamakailan lang, napili si Soliman para maging isang bida sa isang pelikula sa bansang Romania.

 

Nalulong din sa ipinagbabawal na gamot si Ariel Vinas alyas Aying dahil sa sunod-sunod na problema. Maagang namatay ang kanyang ama, natigil sa pag-aaral at maagang naghanapbuhay. Ang ipinagbabawal na gamot daw ang niyang pagtakas sa lahat ng problema niya sa buhay.

 

Pero nang magkapamilya, unti-unti raw siyang nagbago.  Paggawa ng pastillas ang naging hanapbuhay nila sa Nueva Ecija.

 

 

Ngayon, siya na ang itinuturing na Pastillas King sa kanilang lugar. Naging daan ito para mapag-aral niya ang mga anak at makabili sila ng mga ari-arian.

Abangan ang kanilang kuwento sa “Liwanag sa Dilim” sa Stories of Hope ngayong Linggo, September 5, 4:35pm  sa GMA 7.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment