Mga mommy at lola na certified BTS ARMY, itatampok ng Brigada!

 

SAKRIPISYO AT SERBISYO
Sa tawa at pagpapakwela na lang idinadaan ng Tiktoker na si Even ang buhay at karanasan niya bilang nurse sa UK. Sa ganitong paraan daw ay napagagaan niya ang loob ng mga kapwa niya nurse dito sa ating bansa na nahaharap ngayon sa malaking hamon na dala ng pandemya. Sigaw kasi ng mga nurse at iba pang mga medical frontliners na direktang isinusugal ang kanilang kalusugan at kaligtasan sa banta ng Covid-19 ang karampatang benepisyo para patuloy nilang magampanan ang kanilang tungkulin. Sinuri ni Saleema Refran ang mga isyu kaugnay ng hinaing ng mga nurse at iba pang mga medical frontliners.

 

BRAIN MASTER
Sa lahat ng bahagi ng katawan ng tao, ang utak ang pinakamakapangyarihan. Sa pamamagitan kasi nito, nako-kontrol ang galaw at buhay ng iba’t ibang parte ng ating katawan. Pero hindi lang basic ang kayang gawin ng utak ng tinaguriang “mind master” na si Nomer Lasala, dahil kaya daw niyang kontrolin o ‘di kaya’y mahulaan ang laman ng isipan ng iba. Pero huwag daw mag-alala dahil hindi niya ito ginagamit para mangbudol o manloko ng kapwa. Ginagawa niya lang ito sa harap ng camera, at inu-upload online ang mga video ng kanyang tricks na agad namang nagiging viral! Mahuhulaan kaya ni Nomer tumatakbo sa isip ni Kara David?

 

MOMMY ARMY
Walang dudang buong mundo na ang napapabilib ng pinakasikat ngayong K-pop group na BTS. Bukod kasi kanilang mga hit na kanta, hinahangaan din ang talento at karakter ng bawat miyembro ng grupo. Dito sa Pilipinas, hindi na lang mga kabataan ang kabilang sa ARMY o ang tawag sa fans ng BTS, kundi pati mga mommy! Isa sa mga proud BTS Mommy ARMY ang singer-songwriter na si Adjeng na nakitang pagkakataon din ito para maka-bonding ang kanyang dalagitang anak na si Drian. Samantala, tiyak daig kayo ng lolang si Socorro dahil sa edad niyang 66 taong gulang, sinisigurado niyang makakapanood siya ng mga concert ng paborito niyang BTS ng live! Nakilala sila ng isa ring certified na Mommy ARMY na si Victoria Tulad.

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.

 


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment