BRIGADA
Airing: February 5, 2022
PINOY INVENTIONS
Dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette, nawalan din ng kuryente ang tahanan ng 16-taong-gulang na si Kyle sa Southern Leyte. Sa kabila nito, nakalaya sila sa dilim, salamat sa naimbento niyang D-I-Y wind turbine. Gamit ang elesi ng isang lumang ceiling fan, binutingting niya ito at ngayo’y nakapagbibigay na sa kanila ng kuryenteng nakapagpapailaw sa kanilang bahay. Patunay lang ito na malaki ang potensyal at abilidad ng Pinoy inventors lalo na kung diskarte ang pag-uusapan. Nakilala ni Saleema Refran si Kyle at iba pang mahuhusay na inventors na maipagmamalaki natin.
After Typhoon Odette ravaged some parts of Visayas and Mindanao last December, 16-year-old Kyle of Southern Leyte was also deprived of electricity in their home. This paved the way for him to invent a D-I-Y wind turbine. He assembled an old ceiling fan that provided them light and hope. Saleema Refran meets Kyle and other brilliant Filipino inventors.
Pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng mga aso at pusa bilang alaga. Pero sa mga naghahanap ng kakaibang klase ng pet, swak na swak daw ang pag-aalaga ng iguana! Bukod daw kasi sa pagiging kakaiba at madaling pakainin, malambing din daw ang mga ito! Tulad na lang nina Muhok, Draco, at Bruno, na ilan lang sa 46 na inaalagaang mga iguana ni Alfredo. Para sa kanya, nakapapawi raw ng sakit ng ulo at stress sa tuwing nasisilayan niya ang mga alaga niyang iguana. Pero payo ng mga eksperto, masusing pananaliksik at paghahanda raw ang kailangan bago pasukin ang pag-aalaga ng mga iguana. Bukod kasi sa kakaibang behavior nito, kailangan ding matiyak na makakuha ng permit mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR. Inalam ni Kara David kung bakit may ilang Pinoy na naengganyong gawing pet ang iguana.
For those looking for a unique kind of pet, iguanas might be the perfect fit! Apart from being unique and easy to feed, they are also as loving as the common pets, according to some exotic pet enthusiasts. One of them is Alfredo who has 46 iguanas under his care. For him, his iguanas are effective stress relievers. But experts advise that thorough research and preparation are needed before taking care of iguanas. Aside from its unique behavior from common pets, it is also necessary to ensure that you obtain the necessary permit from the Department of Environment and Natural Resources or DENR. Kara David learns the basics of caring for iguanas and why some Filipinos choose them as pets.
K-POP FANS! FIGHTING!
Kpop? Fighting ang mga Pinoy riyan! Nakaka-LSS nga naman kasi ang kanilang musika kung saan siguradong mapaiindak ka! Ilan sa aminadong Kpop superfans ang vlogger na si Kring Kim na puro Kpop-inspired ang mga content na ginagawa sa kanyang channel. Sa katunayan, kina-career niya pa talagang pumunta sa Korea para tumambay sa mga agency ng Kpop idols sa pag-asang makatiyamba siya rito ng sighting. Pagmamahal din sa Kpop boy band na EXO ang nagtulak sa EXO-L na si Myrgie para mag-self-study at maging bihasa sa Hangul o Korean alphabet! Kpop overload ang hatid ng Kpop superfan din na si Aubrey Carampel.
Kpop songs are such earworms that some Filipino fans can’t get out of their heads! Some of our biggest Kpop superfans are vlogger Kring Kim who mainly produces Kpop-inspired content in her channel. In fact, she makes it a point to go to Korea to visit Kpop agencies hoping to get a glimpse of her idols. Meanwhile, her love for Kpop boy band EXO inspired EXO-L Myrgie to self-study and become proficient in Hangul or the Korean alphabet! Aubrey Carampel, a certified Kpop superfan herself, brings us a whole round of Kpop overload.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Join award-winning and homegrown Brigada Siete journalist Kara David as she shares new stories, new perspectives, and the rundown on the latest issues in society together with a new generation of reporters this Saturday, 9:50pm in Brigada on GTV.
Iba t ibang Pinoy inventions, ibibida sa Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment