HANGGANG WAKAS
Viral kamakailan ang Facebook post ni Claire ng kanyang maternity photo shoot. Bukod kasi sa magagandang mga litrato, kumurot sa puso ng marami ang kuwento sa likod ng photoshoot na ito. Kuwento ni Claire, ang orihinal sanang plano para sa photoshoot na ito ay prenup pictorial bilang paghahanda para sa nakatakdang kasal nila ng kanyang nobyo na si Kenneth. Subalit sa kasamaang palad, isang pangyayari ang nagbunsod para hindi na matuloy ang kanilang kasal. Inalam ni Kara David ang kuwento sa likod ng viral maternity photoshoot na ito.
TRIP TO BAGUIO
Dahil papalapit na ang Pasko, sari-saring pasyalan na ang target ngayong puntahan ng karamihan. At saan pa nga ba pinakamararamdaman ang malamig na simoy ng hangin kundi sa Baguio City! Matapos dumaan sa maigting na health check protocols para makapasok sa kanilang lungsod, puwede kaagad dumerecho sa Christmas Village sa Camp John Hay! Bukod naman sa mga bagong kaalaman naman tungkol sa Igorot roots ng lugar, magagandang Instagram photos naman ang hatid ng Igorot Stone Kingdom! Ilan lang ito sa mga pinakabagong atraksyon sa Baguio na pinasyalan ni Mai Bermudez.
MUKHA NG KAHAPON
Sa loob lang ng mahigit isang taon, tila nabura na ang halos buong mukha ng ginang na si Elizabeth. Noong una, dahil nga sa sobrang lala ng sinapit ng kanyang mukha, hinala ng kanyang pamilya ay naging biktima siya ng pambabarang. At dahil hindi bumuti ang kanyang lagay matapos humingi ng tulong sa albularyo, minarapat nilang ikonsulta ang kaso sa isang doktor. Dito nila nalamang isa palang uri ng kanser ang dumapo kay Elizabeth, dahilan para hindi gumaling ang sugat na kumakalat na sa buo niyang mukha. Nasaksihan ni Saleema Refran ang araw-araw na paglaban ni Elizabeth sa kanyang karamdaman.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
Maternity shoot na nag-viral online, itatampok sa Brigada!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment