I-WITNESS
LECHERO
HOST: SANDRA AGUINALDO
AIRING: DECEMBER 4, 2021
Dahil sa pandemya, naging bahagi na ng buhay ng mga tao ang pagbili o pagbenta ng mga produkto online.
Subalit may ilan na naglakas-loob na maghanapbuhay sa pamamagitan ng paglalako ng gatas ng kalabaw para kumita. Tinatawag silang “lechero.”
Sa Pampanga, maagang gumigising ang mag-asawang Eric at Remedios para gatasan ang mga alagang kalabaw. Ilalagay nila ito sa bote saka ibebenta sa pamamagitan ng paglalako sa komunidad. Bukod sa nakaka-sideline sa trabaho si Eric, dagdag kita rin ang gatas na nakukuha nila sa mga alagang kalabaw.
Ganito rin ang kaso ng mag-asawang Mercader ng Nueva Ecija. Subalit dahil sa tulong ng kooperatiba, mas bumuti ang kanilang kalagayan dahil ang mga gatas ay naihahalo sa ibang produkto at naibebenta ng maayos sa merkado.
Ayon sa Philippine Carabao Center, ang pag-aalaga at paggagatas ng kalabaw, maging ang pagiging lechero, ay isang tradisyon na unti-unti nang naglalaho. Ilan sa pangunahing dahilan ay ang pagkawala ng bukirin para sa mga alagang hayop at kawalan ng interes sa pagiging lechero.
Samahan si Sandra Aguinaldo sa pinakabago niyang dokumentaryong “Lechero,” ngayong Sabado sa I-Witness, ika-4 ng Disyembre, 10:30pm sa GMA.
ENGLISH VERSION
This pandemic, digital technology helps people survive by online selling, but there are few who thrive by physically peddling carabao’s milk.
In some provinces, they are still practicing the tradition of selling milk and they are fondly called “lecheros.”
In the case of couple Eric and Remedios of Pampanga, they wake up early to milk the carabaos and sell the end product using a pedicab. The family gets by with the daily earnings from this small business along with Eric’s other sidelines.
Same goes with the Mercader family of Nueva Ecija, but being a member of a cooperative that supports carabao farmers, they have the advantage in creating other products that they can sell at a bigger scale.
It may be a lucrative business but the tradition is slowly dying. According to the Philippine Carabao Center, there is a decreasing number of farm lands. Some are also losing interest to continue this legacy.
Join Sandra Aguinaldo as she immerses with the lecheros and discovers a tradition struggling to get through the changing times. “I-Witness: Lechero” airs this Saturday, 10:30pm on GMA.#
“Lechero”, dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment