Naranasan ito mismo ng mangingisdang si Mang Delfin Egana na nakilala namin noong 2018. Matagal na siyang mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal. Pero isang araw, nagulat na lang daw siya nang may kumalawit sa kanyang leeg. Nalaman namin noon na hindi lang pala pana at gamit pangisda ni Mang Delfin ang kinuha dahil maging ang huli nilang isda kinukuha ng Chinese Coast Guard.
Makalipas ang tatlong taon, kinumusta namin si Mang Delfin. Kwento niya, 2020 pa raw nang huli siyang makalaot sa Scarborough. Nasira kasi ang barkong ginagamit nila sa pangingisda roon. Para may makain, namamana na lang siya ng isda ngayon.
Dalawang taon ang lumipas mula nang mangyari ang insidente, kinamusta namin si kapitan Junel. Naghahanda sila sa kanilang paglaot. Mula nang magsimula ang pandemya, ito ang unang pagkakataon na maidodokumento namin ang Recto Bank. Habang nangingisda ang grupo nina kapitan Junel, may namataan sila, isang malaking bangka na pamilyar na raw sa kanila.
Pero hindi lang ang ating mga mangingisda ang nakararanas ng panggigipit mula sa mga Chinese vessel na nasa West Philippine Sea. Nito lang November 16, 2021 dalawang bangka ng Pilipinas na magbibigay sana ng suplay sa mga sundalo sa Ayungin Shoal ang hinarang at binomba ng tubig ng dalawang Chinese Coast Guard ship.
Abangan ang buong kuwento ng “YAMAN NG KARAGATAN” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, December 2, 2021 10:30am sa GTV bago mag Balitanghali.
Ano ang aksyon ng gobyerno sa patuloy na tensyon sa West Philippine Sea?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment