Program: ON RECORD
Schedule of Airing: August 8, 2021
ATLETANG PINOY!
Miyembro ng Philippine para swimming team si Arnel Aba. Ilang medalya na rin ang nakamit niya kabilang ang isang gold, isang silver at dalawang bronze medals mula sa mga kompetisyong sinalihan niya abroad. Ngayong pandemya ay suma-sideline siya bilang delivery rider. Nag-viral ang kaniyang litrato na sukbit ang saklay habang nagde-deliver. Nangarap din siya na makasali sa Tokyo Paralympics ngayong taon.
ONLINE WEDDING
Ang magkasintahang sina Richard Armstrong at Donna Mhay Garfin ay ikinasal online. Nasa Estados Unidos kasi si Richard habang nasa Pilipinas naman si Donna. Nakansela ang una nilang planong magpakasal dahil sa pandemya. Ligal ba ito sa Pilipinas?
LOVE LANGUAGE
Ano ang love language mo? ‘Yan ang aalamin nina Oscar Oida at Mav Gonzales. Sa pamamagitan ng pagsagot sa quiz na hango sa 5lovelanguages.com, maaari malaman kung paano niyo ipinadarama at gusto maramdaman ang pagmamahal sa pamilya man o sa inyong sinisinta.
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Linggo, 5:20 PM sa GMA.
ENGLISH VERSION
Arnel Aba, a Paralympic swimmer and national athlete prepares to compete in Tokyo Paralympics.
Couple Richard Armstrong and Donna Mhay Garfin ties the knot in a virtual ceremony while in different countries. They had planned to get married in 2020 but the pandemic put their plans on hold. Find out if virtual wedding ceremonies are legal here in the Philippines.
There are five love languages, namely, Words of Affirmation, Quality Time, Receiving Gifts, Acts of Service and Physical Touch. Knowing your significant other’s love language will help you express your love in a way that they understand best, which can lead to a healthy relationship. Oscar Oida and Mav Gonzales discovers their love language by answering a quiz from 5LOVELANGUAGES.com.
Catch On Record every Sunday at 5:20 PM on GMA.
0 comments :
Post a Comment