Nakaka-inspire na mga kuwentong negosyo, alamin sa ‘Pera Paraan’!

Kilalanin ang mga negosyanteng lumaban hindi lang sa negosyo pero sa buhay na rin!

Isa na riyan si Momshie Sarah. Naging isang malaking pagsubok nang magka-aneurysm ang kanyang asawa. Nang dahil sa medical bills, umabot sa P1.4 million ang kanilang utang. Pero dahil sa dasal at determinasyon, ang natitira niyang pera na 75,000 pesos, ginamit niya para bumili ng isang bakery at makapagsimula ng negosyo. Ang bida sa kanilang bakery na buko roll nagdala ng swerte sa kanilang buhay. Alamin kung paano nalagpasan ni Momshie Sarah ang mga hamon ng negosyo at nagtagumpay sa buhay!

Panganay sa apat na magkakapatid si Mae. Bata pa lang, siya na ang tumayong ama, ina at breadwinner ng kanilang pamilya. Na-curious lang siya sa pagdisenyo ng cookies. Pinag-aralan niya ito at hindi niya inakala na ang dating sideline lang noon, kumikita na ngayon ng halos P30,000 kada buwan!

Laking Bicol naman si Momshie Abby. Kaya hindi kataka-taka na ang hatid niyang negosyo bida ang Bicolano dishes. Nagsimula sa karinderya ang kanilang laing, ginataang santol at lechon bicol express. Gamit-gamit nila ng kanyang ina na si Josefina ang mga sarili nilang recipe. Mula sa karinderya, naisipan nilang ilagay sa bote ang mga ito. Hindi nagtagal, lumago ang kanilang bottled Bicol dishes. Ano kaya ang sikreto sa kanilang bottled laing?

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Nakaka-inspire na mga kuwentong negosyo, alamin sa ‘Pera Paraan’!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment