Mga linta, ginagamit bilang kakaibang treatment para sa mga skin disease? Alamin sa Pinoy MD!

 

Pinoy MD

December 10, 2022

Sabado alas 6 ng umaga sa GMA

 

 

 

Ngayong Sabado ng umaga, mahahalagang usaping pangkalusugan na naman ang hatid ng mga doktor ng bayan! Gaya ng ipinag-aalala ng ibang mga kababaihan, paano nga ba kung hindi ka dinadatnan? Paano kung gaya ni Hanna na imbis na sanggol ang inaabangan, bukol ang nakita sa kanyang tiyan? Anu-ano nga ba ang sintomas ng ovarian cyst?

 

 

 

Uso rin ba sa inyo ang paluwagan? Paano kung ang mapapanalunan, instant pagpapatapos ng ilong? Si Bon, matapos magpa-rhinoplasty, naisipang magbukas ng paluwagan para sa mga kapwa niya nais magpatangos ng ilang. Magkano kaya ang hulugan?

 

 

Masakit ba ang iyong mga kasu-kasuan? Para gumaan daw ang pakiramdam, pwedeng subukan ang Blood Cupping therapy! Ligtas nga ba ang ganitong alternative treatment?

 

 

Ilang taong pinagtiisan ni Marta ang matinding eczema. Pero iisa lang daw ang naging solusyon sa matindi niyang pagdurusa, walang iba kundi ang linta?! Epektibo nga ba ang leech therapy at gaano ito kaligtas?

 

Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang internist at wellness expert na si Doc Oyie Balburias para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Dec. 10, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.

 

 

 



Mga linta, ginagamit bilang kakaibang treatment para sa mga skin disease? Alamin sa Pinoy MD!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment