Kasalan sa bayan ni Juan, tampok sa IJuander

Kadalasan, sa buwan ng hunyo natin naririnig ang mga salitang “for better or for worse” at “’till death do us part”. Kaya samahan ninyo kaming alamin ang tradisyunal na kasalan ni Juan, ang iba’t ibang kwentong kasalan ng ating mga ka-Juander.

Ang Batangas ay kilala sa magarbong kasalan na dinadaluhan ng buong komunidad. Saksihan natin mismo ang pag-iisang dibdib ng ka-Juander na sina Mian at Jec. Sabay-sabay nating tunghayan ang kanilang aktwal na kasalan at makisayaw sa kanilang pagdiriwang mula bisperas hanggang matapos ang seremonya ng kasal.

 

Kung sa halagang P2,500 ang unang papasok sa isip natin ay pambili ng bagong sapatos, bagong damit? Pero sa dalawang mag-asawa na ating nakilala, aakalain ba natin na sa halagang P2,500 ay ikinasal sila.

Sa huling kwento naman Love wins! ‘Yan ang sigaw ng ating mga ka-Juander na sina Ronnie at Jiem na transwoman at transman, na kinasal sa simbahan. At hindi lamang iyan dahil kung sa iba ay na-love at first sight, sila naman ay na-love at second sight. Tunghayan ang nakakakilig nilang love story.

Ang Ka-Juander nating sina Carmina at Bryan literal na “For better or for worse” ang kanilang kwento. Tatlong beses na-postpone ng kasal at pagkawala ng ina ni Carmina. I Juander, ano kaya ang mga pamahiin ang hindi nila nasunod sa kanilang pag-iisang dibdib?

Sabay-sabay tayong kiligin at maantig sa mga kwento sa likod ng mga kasalan at tradisyon sa kasalan sa bayan ni Juan, samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar, ngayong Linggo, 7:45 ng gabi sa GTV!



Kasalan sa bayan ni Juan, tampok sa IJuander
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment