‘Pasan ko ang Rattan’, dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’

I-WITNESS
“Pasan ko ang Rattan”
Host: Kara David
Airing: June 11, 2022

  

 

Kilala ang bayan ng Atimonan, Quezon sa mga produktong gawa sa rattan. Ang rattan ay isang uri ng baging na matatagpuan sa mga kagubatan ng Asya. Dahil matibay at madaling ihulma, madalas gamitin ang rattan sa paggawa ng mga basket, bag at upuan.

 

Bago makalikha ng mga obra, pahirapan ang pagkuha ng rattan at ibang materyales sa bundok at mga kagubatan. Dahil matinik din ito, pahirapan din itong mahawakan.

 

Nakilala ni Kara David at kanyang team si Leticia Ortiz, isa mga nangunguha ng rattan. Mahigit dalawampung taon nang hindi lumalabas ng bahay at takot sa tao ang asawa ni Nanay Leticia na si Mang Cirilo. Nagsimula raw ang lahat nang pasukin ng mga armadong lalaki ang kanilang bahay.

Simula raw nang matutong maghabi ng rattan, sumusubok nang dumungaw sa bintana si Mang Cirilo. Para kay Nanay Leticia, kabuhayan at pag-asa ang biyayang dulot ng rattan sa kanilang pamilya.

 

 

Ipinanganak namang kulang ng daliri ang isang kamay ni Alicia Marasigan. Kumpara kay Leticia, nangunguha at naglalala rin ng rattan si Alicia. Hirap man dahil sa kanyang kapansanan, handa siyang magtiis para sa pamilya.

 

 

Pagkatapos kayasin at tanggalan ng tinik ang mga nakuhang baging, kalbaryo rin para kina Leticia at Alicia ang pagbababa at pagpapasan ng rattan mula sa kabundukan.

Huwag palalampasin ang kwento ng katatagan, kasipagan, at wagas na pagmamahal sa

Dokumentaryo ni Kara David na “Pasan ko ang Rattan,” ngayong Sabado sa I-Witness, June 11, 2022, 10:30pm sa GMA.#

ENGLISH VERSION

The town of Atimonan, Quezon is known for its rattan products. Rattan is a type of vine found in Asian forests. Because it is durable and easy to mold, rattan is often used to make baskets, bags and chairs.

Getting rattan and other materials in the mountains is no easy task. Rattan’s thorns makes it harder to touch its vine.

Kara David and her team meet Leticia Ortiz, one of the rattan pickers. For more than twenty years, Leticia’s husband, Cirilo, fears people and hides in his room. According to Leticia, it all started when armed men entered their house.

Rattan weaving has somehow become his therapy. This creative activity has enabled Cirilo to at least try to look out the window.

For Leticia, rattan brings not only livelihood but hope.

Alicia Marasigan, born with missing fingers, has a similar story. Compared to Leticia, Alicia picks and weaves rattan. Despite her physical challenges, she continues to persevere for her family.

Don’t miss the story of resilience and unconditional love in Kara David’s latest

I-Witness documentary, “Pasan ko ang Rattan,” this Saturday, June 11, 2022, 10:30 pm on GMA.#



‘Pasan ko ang Rattan’, dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa ‘I-Witness’
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment