ASIN AS IN!
LINGGO / 9:15PM SA GTV
Bawat ulam, merienda, sawsawan at pati na inumin ay pinapalinamnam at pinapasarap ng isang sangkap. Isa sa pinakamatandang pampalasa sa mundo– ang asin. Pero kung dati 100% self-sufficient ang Pilipinas sa asin, ngayon, higit 90% ng ginagamit nating asin ay imported na!
Ang mga salt farmer sa bansa, unti-unti na ring nababawasan. May pag-asa pa bang muling makabangon ang salt industry sa Pilipinas?
Sa Pasig city, matatagpuan ang isang kainan na halos apat na dekada nang naghahain ng iba’t-ibang lutong pinoy. Dalawampung klase ng ulam ang niluluto nina Anneth Cruz araw-araw. Wala raw silang ginagamit na sikretong pampalasa pero hindi raw pwedeng mawala sa kanilang kusina ang rock salt.
Iba’t-ibang inumin naman ang ibinibida ng coffe shop na ito. Bukod sa kanilang mga iced juices, best seller daw dito ang sea salt latte. Ang special recipe ng kanilang kape, may isang uri ng asin na nakadagdag sa sarap ng kape.
Pero bago pa man makarating sa ating mga kusina at kainan ang asin, nagsisimula ang produksyon nito sa salt farm. Isa sa mga may-ari ng asinan sa Batangas ang mag-asawang Sheralyn at Jimmy Panganiban. Minana pa nila ito sa kanilang mga magulang. Tuwing Enero hanggang Mayo ang harvest season sa asinan kaya ngayong Hunyo, kinonvert muna nila ito sa palaisdaan.
Dito sa Pilipinas, ang mga probinsya ng Pangasinan, Cavite, Bulacan at Mindoro ang mga pangunahing pinagkukunan ng asin o rocksalt. Pero ang nakapagtataka, higit 90% ng asin sa merkado, galing ibang bansa na. Paano nga ba ito nangyari?
SPIDER WEB
Marami sa atin, minsan naging libangan ang paglalaro ng gagamba. Isa ka rin ba sa mga nanghuli at nangolekta nito? Pero ibahin nyo ang nakilala naming kolektor na umaabot lang naman sa halos isang daan ang inaalagaang gagamba.May ilang ginawa pang negosyo ang pagbebenta.
Ang ibang gagambang naman, isinasali pa sa mga laban. Inabutan naming nagkokondisyon ng mga alagang gagamba si Adam Caleja. Naghahanda si Adam para sa isang friendly game o tinatawag na ulutan laban sa gagamba ng kaibigang si Dave. Aakalain nyo bang pati sila, pinapainom din ng bitamina?!
Si Mang Michael Agellon o kilala sa tawag na Mikestick, dumadayo naman sa iba’t ibang lugar para makipag-ulutan. Nang magtagal, mismong siya na raw ang nag-oorganisa ng derby ng mga gagamba.
Pero ngayong pandemya, nagkaroon rin daw ng spider derby sa online kung saan pwedeng mapanood sa mga social media platform ang mismong laban. Tulad ng online sabong, pwedeng tumaya bago magsimula ang laban. Malaking pera raw ang pinag-uusapan sa online derby na umaabot pa sa daang-daang libong pustahan. Ligal kaya ito?
Abangan ang mga kwentong ito sa REPORTER’S NOTEBOOK sa Linggo, June 5, 2022 9:15pm sa GTV.
‘Asin as in!’, ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment