I JUANDER, SAAN-SAAN MATATAGPUAN ANG MGA NATATANGING PARAISO SA BAYAN NI JUAN?
Dahil bakasyon mode na ang maraming Juan, samahan sina Susan Enriquez at Mark Salazar na balikan ang mga natatanging paraiso sa bayan ni Juan.
Sa Great Santa Cruz Island sa Zamboanga City matatagpuan ang isang beach na kinilala lang naman ng National Geographic noong 2017 bilang isa sa pinaka magagandang beach sa buong mundo. Ang buhangin dito, hindi puti kundi kulay pink. At hindi kalayuan sa Zamboanga City, mararating naman ang Dapitan na hindi lang makasaysayan kundi may itinatago rin palang Paraiso, ang Selinog Island. Tara nang gumala sa Zamboanga kasama ang kapuso star na si Cheska Faustino.
Pero kung paraiso lang din ang hanap, saan pa nga ba ito matatagpuan kundi sa binansagang “Last Frontier” ng Pilipinas, ang probinsya ng Palawan. At sa pagpunta rito ni Susan, hindi niya pinalagpas ang pagkakataong mapasyalan ang Malcapuya Island. Matatagpuan din daw sa Palawan ang isang virgin island na hindi pa gaanong dinadayo ng mga turista at walang ibang establisyimento maliban sa isang kubo.
Ganito rin ang peg ng isang beach na matatagpuan sa Mindoro, parang Boracay sa ganda pero wala ang dagsa ng mga tao. I Juander, ano-ano ang mga adventure ang naghihintay sa Buktot Beach?
Pero kung naghahanap ng beach resort na malapit lamang sa Manila, isama na ang ating barkada dito sa Playa La Caleta ng Bataan. Maari ring mag “work from beach” dito, para sa ating mga ka-juander na my online job.
Ituloy na ang mga naudlot na plano at tumutok sa I Juander ngayong Linggo, 7:45 nang gabi sa GTV. At alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, saan-saan matatagpuan ang mga natatanging paraiso sa bayan ni Juan?
English:
“Vitamin Sea” anyone?
Feeling burnout or unproductive because of the 2-year pandemic vacation layoff? Join us this Sunday, 7:45PM in GTV as we explore the breathtaking spots you will find only in the Philippines. Let’s enjoy the relaxing view and calming wind as we watch the hidden paradise of our country from Luzon, Visayas, and Mindanao.
Mga natatanging paraiso sa bayan ni Juan, tampok sa IJuander
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment