ALAGAD NG BATAS
APRIL 17, 2022 / LINGGO / 9:15PM SA GTV
Sa isang remittance center sa Bulacan, nakunan ng CCTV camera ang panloloob ng isang lalaki. Sa video, makikitang wala nang nagawa ang empleyado habang kinakalkal at tinangay ng naka-helmet na suspek ang kaha ng remittance center. Ilang oras lang ang lumipas, namataan naman ang lalaki na minamanmanan ang isa pang branch ng remittance center sa Bulacan. Sino ang suspek? Mahuli kaya ang nanloob na kawatan?
Isang negosyante at kasama niyang ahente ng sasakyan ang misteryoso namang nawala noong December 2021. Kukunin lang daw nila ang biniling motorsiklo. Kalaunan, natagpuan ang cellphone at ID ng dalawang biktima sa isang silid ng impounding area sa Laguna. Ang isa sa mga biktima, natagpuang wala nang buhay. Paano ito sinapit ng dalawang lalaki?
Sa isang CCTV video na kuha naman sa Caloocan City, nahagip naman ng camera ang panghaharang ng ilang lalaki sa isang street vendor. Ang biktima, nakunan ding tila sinaktan ng mga lalaki.
Nahanap ng Reporter’s Notebook ang lalaki sa video. Ayon sa biktima, kinuha ng mga lalaki ang kanyang 14,000 pesos na livelihood assistance mula sa DSWD.
Lahat ng mga nabanggit na kaso, pare-pareho ang itinuturong salarin— mga pulis. Ano ang ginagawang aksyon ng PNP sa mga miyembro nila na nasasangkot sa iba’t-ibang kaso?
VEGGIE GOOD!
Nakatikim ka na ba ng fried chicken na hindi mula sa karne ng manok o lechon na walang cholesterol? Ang ilang kainang aming binisita, binibida ang iba’t-ibang gulay. Ang simpleng sibuyas, kamatis, sili at iba pa, nilevel-up at mas pinasarap ang kanilang mga best seller.
Sa Maynila, isang grupo rin ng kabataan ang nagsusulong sa pagsuporta sa mga local farmer. Sinong mag-aakala na ang ibinibentang fried chicken na ito nina Elpi, gawa sa gulay. Mula sa malutong na balat, malaman na karne at malinamnam na lasa ay totoong fried chicken ang datingan.
Para naman sa mga natatakam sa lechon pero conscious sa inyong kalusugan, mayroon din silang vellychon. Gawa rin ito sa 100% gulay na mula sa local farmers.
Ang Mexican restaurant na ito sa Pasay City, sumusuporta rin sa ating local farmers. Matatakam ka talaga sa kanilang burrito, nachos, tacos at marami pang iba. At dahil wala rito sa bansa ang ilang Mexican ingreditents, ginawan ito ng paraan ng owner na si Richard Ramirez at ginamitan ng lokal na gulay.
Dito sa Marikina City, isang putahe ang ipinagmamalaki ng isang restaurant. Ang gulay na kadalasang ginagamit lang panggisa, naisipan ni Pam Marabe na gawing espesyal na appetizer— ang golden fried onion rings. The best daw ito kasama ng kanilang gourmet sausages na may iba’t-ibang flavors at toppings tulad ng jalapeno, sibuyas, lettuce at kamatis.
Malaki ang demand ng gulay ngayon sa Metro Manila kaya nakakapanghinayang kapag napapabalita ang mga gulay na itinatapon na lang dahil hindi maibenta ng ating magsasaka. Ang kadalasang dahilan, mahal ang transportation cost, wala storage facility ang mga magsasaka at bagsak presyo ang kuha sa kanila ng mga middle man. Paano nga ba matutulungan ang mga magsasaka na matagal nang napabayaan?
Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw
Linggo, April 17, 2022 9:15pm sa GTV.
‘Alagad ng batas’ at ‘Veggie good,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment