2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
LULONG SA E-SABONG
LINGGO / 9:15PM SA GTV
Nauso ang electronic o e-sabong noong magkaroon ng mga lockdown sa bansa. Dahil bawal magbukas ang mga cockpit arena, ang sabong ginawang online. Pinapadaan sa mga e- wallet ang perang tinataya sa sugal na ito. Pero kasabay ng pag-usbong nito ang kabi-kabilang krimen na ito ang pinag-ugatan.
Nitong March 5, isinugod sa ospital sa Bulacan ang apatnapu’t tatlong taong gulang na si Aileen Fernando. Tadtad siya ng saksak sa katawan at bugbog-sarado ang buong mukha. Nangyari ito matapos raw pasukin ng isang magnanakaw ang bahay nina Aileen. Kinailangan ding tahiin ang ilang malalalim na saksak sa kanyang katawan.
Sa isang follow up operation, nadakip ng mga pulis ang suspek. Base sa imbestigasyon ay lulong sa e-sabong ang suspek kaya nagawa ang panloloob.
Ang ilang lulong sa sugal na ito, naubos ang pera at ilang ari-arian. Ang dalawampu’t anim na taong gulang na seaman na itatago naming sa pangalang “CJ”, umabot daw sa dalawang milyong piso ang natalo sa online sabong. Bukod sa naipon niyang pera sa trabaho, napilitan na rin siyang magbenta ng mga ari-arian para lamang makabayad sa kaniyang mga utang dahil sa e-sabong.
LET’S MEAT!
Hindi maikakailang meat lovers tayong mga Pinoy. Pero alam niyo ba na ang ilan sa kinakain nating karne ay imported na o galing sa ibang bansa? Ano nga ba ang epekto nito sa local meat industry?
Kung steak ang hanap pero nag-aalala sa budget, ang isang steakhouse sa Tondo, Manila abot kaya ang tinda. Imported din ang mga karne na ginagamit nila rito. Bukod sa quality, mas mura raw ito kumpara sa local meat.
Sa halagang 99 pesos naman, makakakin na ng steak with unli-rice sa kainang ito sa Maynila. Ang kanilang bestsellers, porkchop, liempo at porterhouse. Ang kanilang recipe, minana pa raw niya sa kanyang ama.
Sa halagang 350 pesos, one to sawa ka na sa unlimited chicken wings sa kainang ito sa Sampaloc, Manila. Para mas maging affordable ang produkto, imported din ang ginagamit nilang manok. Pero kahit na frozen, sinisiguro raw nilang masarap ang kanilang specialties.
Sa malaking pamilihan na ito sa Quezon city, nahahati ang meat section sa dalawa – local at imported. Pero kapansin-pansin na mas tinatao ang mga pwesto ng imported meat. Isa ito sa mga rason kung bakit umaaray na ang ilang tindero ng lokal na karne.
Abangan ang mga kwentong ito sa Reporter’s Notebook sa bago nitong araw Linggo, April 10, 2022 9:15pm sa GTV.
‘Lulong sa e-sabong’ at ‘Let’s meat,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment