Zamboanga City murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’

 

ZAMBOANGA CITY MURDER CASE

Sa pagganap nina Arthur Solinap, Migs Cuaderno at Elias Point

March 26, 2022 Sabado 4:45pm

Hatinggabi nito lamang ika-30 ng Enero, labis ang pangamba ng ilang residente  sa Barangay Boalan sa Zamboanga City nang makarinig sila ng ingay mula sa bahay ng kanilang kapitbahay.

Upang makumpirma ang kanilang kutob, nagmadaling pumunta sa pinanggagalingan ng ingay ang mga residente. Dito nagulantang sila sa kanilang natuklasan. Naliligo sa sariling dugo ang kanilang kapitbahay na kinilalang si Arnel Fabian. Nakatakip ng kumot ang mukha at wala ring saplot na pang-ibaba ang biktima.

Ayon sa Zamboanga City Police, nagtamo ng labing walong saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Arnel.  Sa pag-usad ng imbestigasyon, lumutang ang ilang saksi na tuluyang tutukoy sa pagkakakilanlan ng mga salarin sa krimen.

Paano sinapit ng biktima ang brutal na kamatayan?

Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Arthur Solinap, Miggs Cuaderno at Elias Point sa Imbestigador ngayong March 26, 2022, Sabado 4:45 ng hapon.  



Zamboanga City murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment