PERA PARAAN
December 11, 2021
Bida sa Pera Paraan ang mga galaang may paandar na hindi magsisisi ang inyong budget!
Europa feels dito sa Pilipinas? Matatagpuan ang Goshen Resort sa Bamban, Tarlac. Mararanasan n’yo ang mala-Italia na pasyal sa halagang 150 pesos. Puwede ring dumayo ng Paris, France dahil sa 70 feet replica ng Eiffel Tower!
Makakarating naman ng Bali, Indonesia sa isang farm resort sa Liliw, Laguna. Fifty pesos lang ang entrance fee at puwede nang mag-enjoy sa iba’t ibang amenities dito. Nariyan din ang isang kainan na naghahatid ng Indonesian dishes tulad ng nasi goreng at chicken satay with peanut sauce.
Samantala, kilalanin ang dating OFW na si Evangeline na mayroong not one, not two but three restaurants! Kabilang sa mga kainan na iyan ang kanyang restaurant na nasa loob ng isang eroplano! Ang 22-year-old naman na si Jade, yung sasakyan na madalas makita sa General Santos City ang nagsisilbing bahay nang itinayong kainan. Binigyan niya ng bagong bihis ang mga multicab ng bayan niya. Ang kakaibang kainan na ito, aba, kumikita lang naman ng halos 50,000 pesos bawat linggo!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan sa bago nating time slot tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!
Mga budget-friendly pasyalan na may kakaibang paandar, bibida sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment