Good News Kasama si Vicky Morales
October 4, 2021
Loco for Sampaloc
Ang sampaloc, hindi lang pampaasim sa sinigang. Bumibida rin ito sa mga panalong panghimagas bukod sa minatamisna sampalok. Tinikman ni Maey B ang tamis-asim na sarap ng Tamarind Tart, Halaya sa Sampalok at Sweet and Sour Jelly Tamarind Candies. Alin kaya sa mga ito ang pumatok sa kanyang panlasa?
Mapaglinlang na Pagkain
Ika nga nila, don’t judge a book by its cover. Ito ang napatunayan ni Love Añover sa isang kakaibang food trip. Ang mga natikman niya kasi, taliwas ang mga lasa sa kanilang mga hitsura. Halimbawa ng mga ito ang pastillas na nag-anyong sushi, cake na mukhang ramen, at tinapay na hugis lechon.
Beauty Halak-hacks
Ang huling halakhak ng pagiging maganda, nasa inyo na. Alamin ang mga all-natural solusyon sa mga balakid sa beauty, gaya ng balakubak, chicken skin na kili-kili, alipunga at dull skin. At ang ultimate sorpresa… ang kakailanganin n’yo lang ay ang mga sangkap na makikita sa kusina. Alamin kung paano n’yo maisasama sa beauty routine ang lemon, coconut oil, bawang, asukal at iba pa.
0 comments :
Post a Comment