2021 NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST
SA PUSO NG BINONDO
OCTOBER 28, 2021, 10:30AM SA GTV
Sabi nga nila, “food can unite us.” Hinuhubog rin daw ng pagkain ang kasaysayan ng isang lugar. Sa Binondo sa Maynila, pinagsama ang dalawang kultura. Paano nga ba nagsimula ang relasyon ng Pilipinas at Tsina sa mata ng mga taga Binondo?
Taong 1888 nang itayo ang Toho Panciteria Antigua, ang itinuturing na pinakamatandang restaurant sa Maynila. Pinaniniwalaang kumain rin dito ang pambansang bayani na si Jose Rizal. Noong World War 2, nagsara ang Toho. Hindi inakala ng may-ari na muling magsasara ang kanilang restaurant, hindi dahil sa giyera kundi dahil sa pandemya.
Ngayong alert level 3 ang Metro Manila, pinapayagan na ang hanggang 30 percent capacity ng dine-in sa mga restaurant pero dapat fully vaccinated ang customer. Ang ipinagmalalaki ng Toho, hindi raw nagbabago ang lasa ng pagkain nila na dalawang siglo na ang pinagdaanan.
Makailang-ulit na naming na-cover sa news ang Binondo, pero hindi pa namin talaga natutuklasan ang ibang kultura at pagkaing itinatago nito. Sa isang tahimik na sulok ng Binondo, may kainan na dinarayo dahil sa kanilang dumplings. Ang sikreto nila, nagmula pa raw ang recipe ng dumplings sa Southeast China.
Kung pinakamasarap na lumpia naman ang hanap mo, matitikman iyan sa New Po Heng Lumpia House na 30 years nang nagbebenta nito. Unti-unti na rin itong bumabangon matapos maapektuhan din ng lockdown.
Bukod sa pagkain, saksi rin ang maraming gusali dito sa Binondo sa magkahalong kasaysayan ng mga Pinoy at Tsino. Magkasamang nakipaglaban ang dalawang lahi laban sa mga mananakop noon.
Malalim ang kasaysayan ng China at Pilipinas. Namumuhay ring payapa ang mga Chinese community dito sa Pilipinas. Pero sa mga nakalipas na taon, may namuong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. Gaya na lang ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Nitong September 2021, muling naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa pananatili ng may mahigit 150 na Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas. Pero sabi ng China, magpapatuloy sila sa mga aktibidad nila sa West Philippine Sea.
Abangan ang buong kuwento ng “SA PUSO NG BINONDO” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, October 28, 2021 10:30am sa GTV bago mag Balitanghali.
Relasyon ng mga Pinoy at Tsino sa mata ng mga taga-Binondo, paano nga ba nagsimula?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment