“Padyak ni Ma am” ngayong Lunes sa Stories of Hope

 

STORIES OF HOPE: “PADYAK NI MA’AM”
October 4, Lunes ng gabi, 11:30 PM sa GMA

 

 

Sa mga kalye ng Kawit at Noveleta sa Cavite, makikitang sakay ng isang bisikleta ang gurong si teacher Mary Anne o Annie Assong. Mahalaga ang bawat padyak ni ma’am dahil bitbit niya ang mga module ng ilan sa mga estudyante ng Emiliano Tria Tirona Memorial National Integrated High School.

 

 

 

Kwento ni Ma’am Annie, nagsimula raw ang paghahatid niya ng module nang mapansin niya na may mga estudyante na hindi nakakakuha nito mula sa paaralan. Pinuntahan niya isa-isa ang bahay ng mga estudyante at doon nalaman niya ang dahilan.

 

 

Ang grade 12 student na si Ken Ivan Colocado, lola lang ang kasama sa bahay matapos iwanan ng kanyang mga magulang. Dahil sa mahigpit na lockdown, hindi pa sila pwedeng lumabas kaya nagpresinta si teacher Annie na ihatid ang mga module na kailangang sagutan ni Ken Ivan. Mahalaga ito para kay Ken Ivan dahil sa susunod na taon ay magtatapos na siya ng senior high school.

 

 

Maghapon namang nagtitinda sa kanilang maliiit na tindahan ang grade 11 student na si Rikka Joyce Tadena kasama ang kanyang ina na isang single parent. Panganay si Rikkah sa tatlong magkakapatid kaya siya ang inaasahan na tutulong sa tindahan. Para matulungan ang bata, hinahatid din ni teacher Annie ang mga module niya. Sinasagutan naman ang mga ito ni Rikkah habang nagtitinda.

 

 

Umulan man o umaraw, tuloy sa pagpadyak si teacher Annie para sa kanyang mga estudyante. Gagawin niya raw ito hanggang masigurong makapagtapos ang mga mag-aaral.

Abangan ang kaniyang nakamamanghang kuwento sa “Padyak ni Ma’am” sa Stories of Hope ngayong Lunes, October 4, 11:30 pm  sa GMA 7.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment