ARMS UP!
Bagamat hindi kadalasang nakikita tulad ng ating mukha, malaki rin ang pagpapahalaga ng karamihan sa bahaging ito ng ating katawan — ang kili-kili. Paniwala kasi ng ilan, repleksyon ito ng kalinisan sa katawan ng isang tao. Kaya naman kung anu-ano na ang naisipan ng ilan na ipahid at ilagay sa kanilang kili-kili para mapanatili itong maputi. Pero ayon sa ilang eksperto, hindi ito totoo dahil ang maitim na kili-kili, maaaring indikasyon o sintomas daw ng iba pang kondisyon. Nakilala ni Saleema Refran ang ilang out and proud sa kanilang maiitim na kili-kili.
FINDING THE ONE
Noong nagpaulan ng swerte sa love life, marami ang nasalo ng mag-asawang Amir at Clarisse. Bago kasi sila naging magkabiyak, pinagtagpo ang kanilang mga landas sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Ang pulis kasi na si Amir na noo’y tumatao sa isang checkpoint, saktong pinara niya ang nakamotor na gurong si Clarisse. At mula noon, the rest is history ‘ika nga. Hindi naman pahuhuli ang mag-asawa ring Jolo at Rain na nagsimula ang pag-iibigan ng dahil sa tabo?! Kilig overload si Kara David sa kani-kanilang mga love story.
DRUM CAR
Imbes na naglalakad lang dala ang isang basket, iba ang gimik ng magbabalut na si Mang Rolando sa paglalako ng kanyang paninda. Nililibot niya ang mga kalsada sa Valenzuela gamit lang naman ang kanyang one-of-a-kind na sasakyan. Mula sa mga kinahoy na piyesa ng luma niyang motorsiklo, drum ng tubig, at mga piraso ng lumang telebisyon, nakagawa siya ng kakaibang kotse na kung tawagin niya, hindi dream car kundi kanyang “drum car”! Inalam ni Raffy Tima kung paano binuo ni Mang Rolando ang sasakyang katuwang niya ngayon sa kanyang hanapbuhay.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
0 comments :
Post a Comment