On Record
Airing Date: October 5, 2021
PANGARAP PARA SA MGA DUMAGAT
Isang komunidad ng mga Dumagat sa Norzagaray Bulacan ang nagbabangka para bumili ng mga pang-araw araw na pangangailangan. Ang gurong si Benedict Jimenez ay pumupunta rito para magturo sa mga residenteng nasa ilalim ng Alternative Learning System o ALS ng Department of Education. Minsan niyang isinama ang kaniyang anak na si Jenny sa komunidad. Ito ang nagbukas ng oportunidad kay Jenny para tulungan ang mga kabataan ng komunidad.
PAALAM, TITSER REI
Setyembre ngayong taon, namatay ang gurong si Reyna Tiniola dahil sa COVID-19. Ayon sa kaniyang mga estudyante, istrikta pero mapagmahal daw na guro si Reyna o Titser Rei. Sa TikTok video na ipinost ng kaniyang mga estudyante ay sinariwa nila ang magagandang alaala na iniwan ng kanilang pumanaw na guro.
D-I-Y LAMPIN
Sa appreciation post ni ni Jeazzel Tagalog sa TikTok, ibinida niya ang kaniyang inang si Emily. Umabot sa mahigit 1.4 million views ang video ng kaniyang ina na pinakukuluan ang mga sako ng harina na gagawing lampin para sa magiging anak ni Jeazzel. Makalipas ang mahigit isang buwan matapos naming ipalabas ang kanilang kuwento ay nanganak na si Jeazzel. Ang mga lampin na ginawa ni Emily ang ginagamit ni Jeazzel sa kaniyang anak na si Maria Juana Yzzabella.
WHISPER CHALLENGE
Sa challenge na ito, kailangang hulaan nina Oscar Oida at Mav Gonzales ang sinasabi ng bawat isa habang naka-earphones at nakikinig ng malakas na tugtog. Ang parusa sa matatalo ay kakain ng spicy noodles!
Abangan ang mga kuwentong uukit ng ngiti at kukurot sa inyong puso sa On Record kasama sina Oscar Oida at Mav Gonzales ngayong Martes, 11:30 PM, pagkatapos ng Saksi.
ENGLISH VERSION
A Dumagat community in Norzagaray, Bulacan, boards a bangka to buy groceries and household supplies. A teacher regularly visits the community to monitor the progress of those under the Alternative Learning System o ALS of the Department of Education. His daughter accompanied him in one of his visits and has provided free clothing to children of the community.
The death of one educator is a tragedy for the family, students, and community. A tribute video to a well-respected teacher who died of Covid 19 was uploaded on TikTok. Reyna Tiniola, a Grade 10 teacher, earned the respect of her students as one of the strongest influences in her students’ lives.
Jeazzel Tagalog, uploaded a video of her mother Emily, preparing several flour sacks to make cloth diapers for her granddaughter. Jeazzel is pregnant with her first child. The Tiktok video has garnered more than 1.4 million views. It highlights the love and affection of a mother to her child. Last September 13, Jeazzel gave birth to her firstborn, whom she named Maria Juana Yzzabella.
Oscar Oida and Mav Gonzales try the Whisper Challenge. In this challenge, player one will whisper a word or phrase selected from a stack of pre-printed words or phrases. Player 2, who wears earphones playing loud music, has to guess what the word or phrase is. They switch places as the game continues.
Catch On Record every Tuesday at 11:30 PM on GMA.
0 comments :
Post a Comment