Pagpapatuloy ng distance blended learning, hanggang kailan nga ba?

 

SUPER TITSER
OCTOBER 7, 2021

 

 

Walang takot na tinatawid ng mga gurong ito sa Aglipay, Quirino ang isang makeshift o gawa-gawang tulay papunta sa kabilang purok. Kailangan kasi nilang mag-deliver ng mga module para sa mga estudyante nila.

 

Sa nakalipas na dalawang school year, hindi muna sa classroom nakikita ni teacher Ziziva Inhumang, 32 years old ang kanyang mga estudyante. At sa halip na habal-habal, tricycle o jeep, tumatawid sila sa ilog gamit ang ilang pirasong kahoy at kawayan.

 

Dahil walang face to face classes sa ngayon at mahina rin ang signal sa lugar, walang ibang paraan para maturuan ang mga estudyante nila kundi ang mga papel na ito. Sa mga dalang module nina teacher Ziziva nakasasalay kung ano ang matutunan ng mga bata.

 

Sa isa pang parte ng ilog, isang hagdan naman ang ginawa nilang tulay. Delikado ito dahil nakapatong lang sa dalawang malaking bato ang gawa-gawang tulay. Malakas din ang ragasa ng tubig kaya isang maling galaw, pwede silang mahulog sa malalim at rumaragasang ilog.

 

Pero sa ilang pagkakataon na mas mataas ang tubig sa ilog, napipilitan sina teacher Ziziva na sumakay sa isang tramline. Bago pa man ang pandemic, ganito na ang sitwasyon nina teacher Ziziva. Pero mas pinahirap pa ito dahil bitbit nila ang mga module ng mga bata.

 

Dalawang school year nang walang tumatapak na estudyante sa  mga classroom ng Dagat-dagatan Elementary Schoool sa Navotas City.

 

 

Sa utos na rin daw ng kanilang superintendent, naghahanda na ang mga guro sakaling mapasama sila sa mga magkakaroon ng face to face classes. May inilagay na non-contact body temperature bago pa man pumasok. At bawat desk ay may nakalagay na acrylic barrier, face mask, face shield at alcohol. Limitado lang rin ang bilang ng mga estudyante sa loob.

 

Kuwento ng principal, sinisikap nilang sundin ang lahat ng requirement ng DepEd at IATF. Lahat nga raw ng mga guro at staff, bakunado na. Aminado siyang may ilan sa kanila na may agam-agam sa planong face to face classes. Hindi pa rin kasi kabilang sa low risk area sa COVID-19 ang Metro Manila.

 

Posible na bang bumalik sa face to face classes ang Pilipinas at ano ang dahilan kung bakit isa tayo sa mga bansa sa mundo na wala pa rin nito?

 

Samantala, isang grupo ng mga guro at artist ang nagbibisikleta mula Cavite hanggang Rizal para sa isang mahalagang misyon. Bakit nga ba nila inikot ang ilang lugar sa Luzon kahit  na may pandemya?

Abangan ang buong kuwento ng “SUPER TITSER” sa Reporter’s Notebook ngayong Huwebes, October 7, 2021 11:30pm sa GMA 7 pagkatapos ng Saksi.



Pagpapatuloy ng distance blended learning, hanggang kailan nga ba?
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment