Iba t ibang filming location ng mga sikat na K-drama, itatampok ng Brigada!

 

KDRAMA QUEEN
Kakatapos lang ng finale ng sikat ngayong Kdrama na Hometown Cha-cha-cha. Istorya ito ng dentista na si Yoon Hye-Jin na lumipat sa isang seaside village kung saan niya nakilala ang lalaking si Hong Du-shik na hindi niya inakalang magpapatibok sa kanyang puso. Marami ang kinilig sa istorya ng dalawa, kaya naman nang matapos ang Kdrama, sumugod ang fans nito sa tabing-dagat at napakagandang lungsod ng Pohang kung saan kinunan ang mga hindi malilimutang eksena ng Kdrama. Ililibot si Kara David ng OFW at Kdrama superfan na si Carla sa mga dinayo niyang iba’t ibang filming locations ng Hometown Cha-cha-cha.

 

RAW MEAT MUKBANG
nagbibigay ng kinakailangang nutrisyon ng ating katawan sa araw-araw. Pero ang meat lover na si Ramsey, hilaw na karne ang paborito niyang itinatampok sa kanyang mukbang. Sariwa pa mula sa palengke, nilalantakan niya ang hilaw na karne sa harap ng camera, na kung minsan ay may kasama pang hilaw ding dugo at lamang-loob. Babala ng mga eksperto, imbes na sustansya, maaaring maging dahilan ito para makapasok sa kanyang katawan ang mga mikrobyo’t bacteria na nakukuha sa pagkain ng hindi lutong pagkain. Nasaksihan ni Darlene Cay ang kakaibang trip ng Tiktoker na si Ramsey.

 

LABAS CASA
True love ang hanap ng dalagang si “Princess”, kaya naman laking tuwa niya nang dumating sa kanyang buhay ang binatang si “Jeffrey”. Dalawang taon din tumagal ang kanilang pagmamahalan, hanggang sa napagkasunduan na nilang mag-isang dibdib at lumagay na sa tahimik. Bilang paghahanda sa kanilang buhay mag-asawa, napagdesisyunan nilang kumuha ng isang bagong sasakyan. Pero bigla na lang naglaho si “Jeffrey” at ang bagong labas na SUV na kay “Princess” nakapangalan. Laking pagsisisi ngayon ni “Princess” dahil nabiktima siya ng modus na labas casa. Siniyasat ni John Consulta kung paano isinasagawa ang modus para maiwasan ang pagkakaroon ng susunod nitong mabibiktima.

 

Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.



Iba t ibang filming location ng mga sikat na K-drama, itatampok ng Brigada!
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment