TRASHCASH APP
Literal na may pera sa basura! Sa pamamagitan kasi ng bagong mobile app na TrashCash, ang mga maiipong basura tulad ng plastic bottles at iba pang mga patapong bagay na puwedeng i-recycle ay maaaring maipagpalit sa rewards points! Malaking tulong ito para sa mga pilot testing areas ng app sa Tondo, Maynila lalo ngayong pandemya kung saan ang mga residente ngayon ay nag-iipon na ngayon ng sari-saring mga basura na kanilang ini-iscan sa app para malaman kung gaano karami ang katumbas nitong bigas o tinapay! Inalam ni Oscar Oida kung paano nga ba gumagana ang bagong TrashCash App.
PINOY EOMMA
Walang dudang patok sa ating mga Pinoy ang anumang bagay na may kinalaman sa Korea — K-pop, Korean food, at K-drama. Kaya naman hindi na rin nakapagtatakang may ilan tayong mga kababayang tila nahumaling na sa KorSea at dito na nanirahan at nagkapamilya. Tulad na lang ng mga Pinay “eomma” o mommy na si Ludy na mas kilala bilang Korean Namu online na buhay sa Korea ang laman ng vlog, at ni Lab, Ajumma o Teresa Park na patok naman sa kanyang mga followers dahil sa pagtuturo niya kung paano magluto ng authentic Korean food! Nakilala ni Aubrey Carampel ang dalawang Pinay eomma na ito!
LIVING WITH LUPUS
Pinadapa ng sakit na lupus ang 25 taong gulang at public health student na si Viktoria. Nagsimula lamang sa rashes ang kanyang karamdaman, hanggang sa unti-unting ninakawan ng lakas ang kanyang katawan. Halos isang taon din siyang namalagi sa ospital, hanggang sa labis na siyang nanghina at sumailalim sa coma. Sa kabutihang palad, nagising siya mula rito isang buwan ang makalipas, espesyal na pagkakataong sinamantala ng kasintahan niyang si Nick para mag-propose sa kanya ng kasal. Ikinuwento ni Viktoria kay Kara David ang kanilang nakaka-inspire na love story.
Samahan ang premyadong mamamahayag at laking-Brigada Siete na si Kara David sa pagtutok sa mga bagong kwento’t bagong karanasan at sa patuloy na pagbabantay sa mga isyu ng bayan kasama ang bagong henerasyon ng mga mamamahayag ngayong Sabado, 9:50 ng gabi, sa iisang Brigada sa GTV.
0 comments :
Post a Comment