PERA PARAAN
August 18, 2021
Habang nasa bahay, patuloy ang pagbibigay ng inspirasyon para sa inyong mga negosyo ang Pera Paraan!
Ang lomi mas lalong naging yummy dahil sa mga negosyanteng ito! Unang-una na riyan ang mag-asawang Alyssa at Wendel na ang lomi nila naging lomgyupsal.
Patok na patok sa mga lomi lovers mula sa Batangas. Hindi rin nalalayo ang kakaibang seafood lomi ng kainan ni Matt sa Metro Manila. Halos kalahati ng kita nilang 8,000 pesos kada araw ay dahil sa seafood lomi nila. Mayroon pa silang paandar na lomi challenge na isang bandehadong lomi ang kailangang ubusin!
Ang kalabasa naman, hindi lang pang-ulam pala! Naisipang gawing negosyo ni Precious Cruz ang kanyang kalabasa okoy. At nagkataong nagustuhan ito nang marami. Sa puhunang 500 pesos, ngayon kumikita na siya ng halos 10,000 pesos kada araw. Alamin kung papaano niya nakamit ang tagumpay sa negosyo sa pamamagitan ng kalabasa!
Kaaya-aya naman ang sea of clouds na matatanaw mula sa Treasure Mountain sa Tanay, Rizal. Dating bakasyunan lang ito pero nang binuksan para sa mga turista, kumikita na ng halos 400,000 pesos kada linggo. Dadayuhin ito ng komedyanteng si Pepita at isang adventure ang nag-aantay sa kanya.
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Ngayong Miyerkules sa sarap o’ clock 6pm sa GTV!
0 comments :
Post a Comment