I-WITNESS
August 14, 2021
Howie Severino Team
WALANG MABIGAT NA PANGARAP
Ang imahe ng makasaysayang pagbuhat ni Hidilyn Diaz para sa kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympics ay nakatatak na sa kamalayan ng mga Pilipino at ng buong mundo.
Babalikan ni Howie Severino ang mahirap na daang tinahak ni Hidi patungo sa tagumpay. Hindi lang dugo’t pawis ang puhunan rito kundi teamwork, pag-aaral at siyensiya.
Masasabing nagsimula sa wala si Hidilyn Diaz at payak ang kaniyang pinagmulan, tulad na lang ng bagong henerasyon ng weightlifters na gustong sumunod sa yapak ng Olympic gold medalist. Tulad ni Hidi, marami sa mga kabataang nagte-training ngayon ay mula sa grassroots gym na madalas kulang sa suporta. Dalawang gym ang bibisitahin ni Howie Severino at ng kanyang team, at dito niya makikita ang dedikasyon na kailangan hindi lang ng atleta kundi ng kanilang mga coach para maging isang Hidilyn. Matutuklasan din ni Severino kung bakit sa isang global sport na karaniwang iniuugnay sa malalaking kalalakihan, ay maliliit na Pilipina ang nangunguna.
Courtesy: Coach Pep Agosto
Sa kanila ring pananaliksik, natuklasan ng documentary team na maaring isa sa mga unang weightlifter ay walang iba kundi ang pambansang bayani na si Jose Rizal.
Tunghayan ang “Walang Mabigat na Pangarap” sa I-Witness ngayong Sabado, ika-14 ng Agosto, 10:15pm sa GMA!
English Version
The glorious images of Hidilyn Diaz’s golden lift in the Olympics are now frozen in time.
Howie Severino’s documentary rolls back the time to show the sweat and tears on the road to glory, the teamwork and scientific approach to training, and the humble roots of a champion.
But her early struggles can also be seen in the rising crop of young weightlifters who aspire to follow in her footsteps, all of them in community gyms with scant support. Howie’s documentary team visits two of these simple gyms and witnesses firsthand the devotion required to be like Hidilyn, not just on the part of the aspirants but their weightlifting coaches. It also learns why, in a global sport associated with large men, in the Philippines small women hold the most promise.
In the course of their research, the documentarists find visual evidence that Jose Rizal was probably the country’s earliest proponent of weightlifting.
“Walang Mabigat na Pangarap” airs this Saturday on I-Witness, August 14, 10:15pm on GMA!#
0 comments :
Post a Comment