Special sinigang recipes, ihahain sa ‘Pinoy MD’

Pinoy MD
August 7, 2021
Sabado, 6:00 AM sa GMA

 

 

Lumalaki ang kanyang tiyan pero hindi naman siya malakas kumain o buntis, kaya nag-aalala ang 33 taong gulang na si Nilda Rotamula. Dahil sa nangyayari sa kanya, nahihirapan na raw siyang pagkasyahin ang kanyang mga damit. Madalas na rin daw siyang hingalin. Ipinabasa ni Nilda ang resulta ng pagsusuri sa kanya kay obstetrician-gynecologist at Pinoy MD host Dr. Raul Quillamor. Abangan ang resulta.

 

 

Paborito nating mga Pinoy umulan man o umaraw… ang masarap higupin na Sinigang! Sa dami ng paraan at iba’t-ibang sangkap sa pagluluto ng Sinigang, may ibang namumukod-tangi ang sarap. Bukod sa nakasanayang pampaasim na sampaloc at bayabas…maaari rin daw gumamit ng strawberry at pakwan!

 

 

May pandemya man, importante pa rin na makapag-workout. At kung kasabay mo pa ang iyong mahal sa buhay, mas gaganahan ka. Ang malapit nang ikasal na sina John Vincent at Fredelyn, mas nagiging close pa raw sa isa’t isa dahil sa kanilang healthy lifestyle at tuturuan nila tayo ng ilang couples workout.

Ngayong Sabado, sa Pinoy MD kasama sina Connie Sison at Dra. Jean Marquez (dermatologist), 6:00 AM sa GMA.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment