CEBU MULTIPLE FRUSTRADED MURDER CASE
Sa pagganap nina Bodjie Pascua, Jim Salas at Dindo Arroyo
February 19, 2022 Sabado 4:45pm pagkatapos ng Wish Ko Lang
Nitong ika-dalawampu’t apat ng Enero ng taong kasalukuyan, tatlong residente ng Barangay Cogon, Bogo City sa Cebu ang natagpuang duguan at agaw-buhay. Ang mga biktima, walang awang pinagtataga sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Catamco, animnapu’t isang taong gulang, Randy Gallarde, apatnapung taong gulang at anak ni Randy na si Emily, hindi niya tunay na pangalan, labing-isang taong gulang.
Sa inilabas na resulta ng medico-legal, nagtamo ng pitong taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Francisco, pitong taga rin ang tinamo ni Randy at siyam naman ang tumama sa batang si Emily. Dahil sa lalim ng kanilang mga sugat, sumailalim sila sa operasyon.
Himala silang nakaligtas at nakapanayam ng Imbestigador. Ano ang kanilang isisiwalat? Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen?
Tutukan ang mga detalye sa kasong ito sa pagganap nina Bodjie Pascua, Jim Salas at Dindo Arroyo sa Imbestigador ngayong February 19, 2022, Sabado 4:45 ng hapon pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA.
Cebu multiple frustrated murder case, sisiyasatin sa ‘Imbestigador’
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment