I JUANDER, ANO-ANO ANG MGA PABORITONG MERYENDA SA LOOB AT LABAS NG BAYAN NI JUAN?
Ang mga Pilipino, hindi lang daw tatlong beses kung kumain sa isang araw. Dahil sa pagitan ng agahan, tanghalian, hapunan at maski nga sa gabi, hilig ni Juan ang kumain ng meryenda.
Sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, may mga meryenda na doon lang daw matitikman. Gaya ng tinatawag na “saludsod” ng mga taga-Gasan, Marinduque at “binaki” ng mga taga-Bukidnon. I Juander, paano ba ginagawa ang mga meryendang ito?
Maging sina Susan Enriquez at Mark Salazar, may mga nakagisnan ding meryenda sa bayan ng Indang, Cavite kung saan sila lumaki, ang tinatawag na “kalamabay buna” at “kalangkang.”
Ang South Korea, hindi lang daw kilala sa K-Pop music at K-Drama kundi pati sa paborito nilang meryenda na “hotteok” kung tawagin. Kahit matagal-tagal nang naninirahan doon, hindi pa nakatitikim ng “hotteok” ang Pilipinong si Doni. Kaya kasama ang kaniyang Korean husband, ito raw ang goal niya sa paglilibot sa Suwon na binansagang “Hotteok Capital” ng South Korea.
Samantalang sa Laos naman, matitikman ang tinatawag nilang “nab sa lee” na maihahambing daw sa isang meryendang Pinoy?
Para naman sa mga may latenight cravings gaya ng viral TikToker na si Queen Dura, bakit hindi raw sadyain ang street food night market sa Ugbo sa Tondo, Manila. Kasama ang Vebs Squad, titikim sila ng mga meryenda na mula sa ibang bansa. Gaya ng takoyaki ng Japan, corndog ng America at churros ng Spain.
Abangan lahat ng ‘yan ngayong Linggo sa I Juander, 7:45 PM sa GTV. Alamin ang sagot sa tanong ni Juan:
I Juander, ano-ano ang mga paboritong meryenda sa loob at labas ng bayan ni Juan?
English:
This February, aside from celebrating Valentine’s Day or Love month, we are also reveling the National Snack Month. I Juander will feast on the different kinds of “merienda” or snacks that are not only popular in an out of the country, but unique as well. Discover these snacks that are pass on from generation to generation on I Juander, Sunday, 7:45PM on GTV.
I Juander, ano-ano ang mga paboritong meryenda sa loob at labas ng bayan ni Juan?
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment