Pinoy MD
November 5, 2022
Sabado alas 6 ng umaga sa GMA
Ngayong Sabado ng umaga, mga usaping pangkalusugan na naman ang aming ihahain sa inyong mga mesa! Gaya ng fitness journey ng 44-year old na si Mary Rose na ang hugot daw sa kaniyang pag-workout ay ang paghihiwalay nilang mag-asawa. Tumabang daw kasi ang kanilang relasyon nang bumigat ang kaniyang timbang dahil sa panganganak? Alamin kung paano niya na-achieve ang pagiging fit and healthy!
Sumpa raw para kay Jessie ang pagkakaroon ng malaking balat sa mukha dahil sa inabot niyang panunukso at pangungutya. Ayon kasi sa kaniyang ina, ipinaglihi raw siya sa isang baboy na may maiitim na patse sa balat. May basehan nga ba ito at ano kaya ang tunay niyang kundisyon?
Tag-ulan na naman kaya’t madalas na naman ang pagbaha! Paano nga ba dapat mag-ingat sa mga sakit gaya ng leptospirosis?
At para sa mga nagpapasusong ina, uso na rin daw ang pagbebenta ng gatas online? Para naman sa mga kulang ang supply, pwede rin daw kumuha ng gatas mula sa mga milk bank. Bakit nga ba mayroong mga ina na mayroong malakas at mahinang supply ng gatas?
Samahan ang batikang broadcast journalist na si Connie Sison at ang internist at wellness expert na si Doc Oyie Balburias para ihatid sa inyo ang mga balita at solusyong pangkalusugan ngayong Sabado, Nov. 5, alas 6 ng umaga sa Pinoy MD.
Ano ang mga paraan para maiwasan ang leptospirosis? Alamin sa Pinoy MD!
Source:
Philipines News Journal
This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.
0 comments :
Post a Comment