TRAHEDYA SA KALSADA
LINGGO / 9:15PM SA GTV
Ang road traffic injury at road crash ang itinuturing na isa sa mga madalas na dahilan ng pagkamatay ng tao sa buong mundo. Sa Pilipinas, ayon sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, tatlong bata naman ang namamatay kada araw dahil sa mga aksidente sa kalsada.
May 12, 2022 alas diyes ng umaga nakuhanan sa closed circuit television o CCTV camera ang dalawang bata na naglalakad sa gilid ng kalsada sa Pangasinan. Makikita sa video ang pagtawid ng dalawang bata nang biglang tumilapon ang batang babae matapos mabangga ng isang sasakyan. Makaligtas kaya ang paslit?
Sa Maynila naman, makikita sa cellphone video na ito ang kalunos-lunos na sinapit ng isang batang lalaki matapos masagasaan ng tren. Sa lakas ng pagbangga, nahati ang katawan ng bata. Ano ang kwento sa likod ng aksidente?
Ang dalawang taong gulang naman na batang ito sa Romblon, malubha ang sitwasyon at nag-aagaw buhay matapos masagasaan ng isang motorsiklo.
Ngayong pwede nang lumabas ang mga bata, paano sila mapoprotektahan mula sa mga aksidente sa kalsada?
HAPPY FOOD
Sabi nga nila, good food, good mood. Ngayong marami sa atin ang nakararanas ng stress at anxiety dahil sa pandemya, trabaho at iba pang rason, may mga lugar at kainan kaming binisita na pwede raw magtanggal ng lungkot at nega vibes? Ano-anong pagkain nga ba ang pwedeng makatulong sa ating mental health?
The white house kung tawagin ang isang restaurant na nasa tuktok ng Antipolo City. Ang dinarayo ng mga tao rito ay ang breathtaking view ng Metro Manila. At para tuluyang magkaroon ng happy vibes, pwedeng tikman dito ang kanilang bestsellers na bangus belly with teriyaki sauce, seafood pesto pasta, veggie pizza at chicken wings.
Sa Angono, Rizal naman, maliban sa masarap na pagkain tulad ng beef tapa, nachos at beef budbod, binibida rin nila ang kanilang garden-inspired ambiance.
Sa gitna ng palayan naman sa Bulacan, sinong mag-aakala na isang coffee shop na may library ang pwede mong tambayan? Nitong pandemic lang binuksan ang library café. ang advocacy nila ay ibalik sa mga tao ang hilig sa pagbabasa kasabay ng paghahain ng pagkaing swak sa bulsa tulad ng burger, cheese quesadilla, at garlic shrimp pasta.
Sa pag-aaral na ginawa ng Philippine WHO special initiative for mental health, noong 2020 nasa 3.6 million Filipinos ang nakakaranas ng mental at neurological disorders.
Abangan ang mga kwentong ito sa REPORTER’S NOTEBOOK sa bago nitong araw Linggo, May 22, 2022 9:15pm sa GTV.
‘Trahedya sa kalsada,’ ngayong Linggo sa Reporter’s Notebook
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment