Pares Pa More, Kakaibang Tinapa at Binagol for All, tampok sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado

Pera Paraan
Pares Pa More, Kakaibang Tinapa at Binagol for All
Date of Airing: May 21, 2022

Mamangha sa mga madiskarteng negosyante sa Pera Paraan!

 

 

Sa Mindoro, makikilala natin ang mahuhusay na mga nanay na may negosyong tinapa. Nang mawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemiya, nagtulungan ang mga nanay na ito para gawing tinapa ang mga sobrang huling isda ng kanilang mga asawa. Alamin ang kwento ng mga dating nanghihingi ng ayuda pero ngayon, sila na ang naghahatid ng tulong sa iba!

 

 

Sa Tarlac naman, iba ang naging diskarte nila Ellen at Paul sa negosyo. Ang paborito nilang pares binigyan nila ng pang-international na twist. Nagtayo sila ng restaurant kung saan matitikman ang kanilang Malaysia Laksa Pares, Vietnamese-inspired Pho-Res at K-Style Pares. Ibabahagi nila ang sikreto sa kanilang negosyo na ngayo’y kumikita ng P150,000 bawat buwan.

 

 

Isang daang libo naman kada buwan ang kita ng munting negosyo ni Jhoanne. Noon, pasalubong lang niya ang binagol sa tuwing umuuwi siya mula sa Leyte. Hindi niya aakalaing magugustuhan ito ng mga taga-Metro Manila. Isa si Jhoanne sa mga dahilan kung bakit natitikman na ang binagol ng Leyte sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado 10:45 ng umaga sa GMA!



Pares Pa More, Kakaibang Tinapa at Binagol for All, tampok sa ‘Pera Paraan’ ngayong Sabado
Source: Philipines News Journal

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment