BIYAHE NI DREW: DISCOVERING DOLORES QUEZON
Sunday, February 27, 2022
8:30 PM GTV
Sa biyahe natin ngayong Linggo, makakasama natin si Drew-Ra! Ang kanyang destinasyon – Dolores, Quezon!
Hindi kailangan ng malaking budget para mamasyal sa Dolores, Quezon. Kagaya lamang sa Kubli Spring kung saan 100 pesos lang ang entrance fee.
100 pesos din ang entrance fee para makapaglibot sa 10.9 hectares na Lukong Valley Farm! Makikita rito ang malalawak na taniman, iba’t ibang klaseng lodging at puwede n’yo pang matikman ang kanilang spicy turon.
Kamangha-mangha rin dito sa Dolores ang tanawing Lake Gunao na mala-kawali ang hugis!
Samantala sa Bangkong Kahoy Valley, matitikman ang sampinit na bagong pitas lang mula sa mga tanim dito. Nariyan din ang kanilang raspberry milkshake. Tamis asim ang sarap!
At susubukan ni Drew-Ra lutuin ang Quezon specialty na hardinera. Kayanin kaya niya ang hamon?
Tuloy-tuloy lang ang adventure sa Biyahe ni Drew ngayong Linggo, 8:30 PM sa GTV!
—–
Drew-Ra joins the adventure in Dolores, Quezon. Drew-Ra explores the many farm resorts that can be found here such as the Bangkong Kahoy Valley and Lukong Valley Farm. Also, take a refreshing dip in Kubli Sping for only 100 pesos.
Drew-Ra, the Biyahero Explorer, goes to Dolores, Quezon!
Source: Philipines News Journal
0 comments :
Post a Comment